Entry #25

671 16 1
                                    

Entry #25

Dear Diary,

Wala na akong mukhang maihaharap bukas kay Lloyd. Fudge lang! Bakit kasi ang tanga-tanga ko to the nth level? Nakakainis! Naiinis ako sa ‘king sarili. Of all people and of all situations, bakit sa harap niya pa? Bakit sa harap pa ng ultimate crush ko? Bakit sa harap pa ni Lloyd at ng mga kaibigan niya? Why, o why?

Damn! Nakakahiya talaga! Huhuhu!

Ano nga ba talagang nangyari?

Kasi ganito ‘yon.

Dahil may iniutos kanina si Mrs. Garcia sa ‘min ni James bago mag-lunch break, halos wala nang maupuan nang makarating kami sa cafeteria. Buti nalang may available seats pa sa table nila Lloyd! At dahil no choice kami ni James (not a bad thing though but an advantage rather), sa kanila kami naki-table. May na-order na kasi kami plus idagdag mo pa na gutom na ‘ko kaya sa kanila kami lumapit dahil na rin sila ‘yong malapit at kilala namin.

“Err…excuse me?”

Agad namang natigil sa pag-uusap at pagtatawanan si Lloyd and his friends.

“Bakit?” Oliver asked.

“P—p’wede ba kaming maki-share ng table? Wala na kasing ibang maupuan,” I asked politely with a smile.

Harold looked at Lloyd and asked, “Ano ‘tol, ayos lang ba?”

“Sure!” Lloyd uttered without hesitation.

Ayos! Lalo tuloy lumapad ang ngiti sa ‘king mga labi.

“Thanks!”

Inilapag na ni James ang tray na naglalaman ng mga pagkaing in-order namin sa table saka kami umupo. Apat silang magkakasama at anim ang seats dito kaya sakto lang. Sa tabi ni Harold ako umupo, kaharap ni Lloyd my loves para lalo akong ganahan kumain. #TheMoves Hahaha! Samantalang sa right side ko naman umupo si James. Para mas malinaw, ganito ang seating arrangement namin:

Klein – Lloyd – Oliver

Harold – Zyra – James

After few seconds, nagsimula na ulit magkuwentuhan sila Lloyd na sinabayan nang pagkain. Nagsimula na rin kaming kumain ng kasama ko, ni James.

Tahimik lang akong kumakain habang pasimpleng pinagmamasdan at sinusulyapan si Lloyd na abalang nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan. Samantalang tahimik lang din si James na wari ba’y may sariling mundo.

Hindi ako maka-relate sa usapan ng barkada kasi tungkol sa DotA at kung anu-ano pang online games ang topic nila. Nakuntento nalang ako sa mga nakaw na tingin kay Lloyd habang ako’y kumakain. Makita lang siya, sapat na. I’m so lucky kasi nakasabay ko siyang kumain sa iisang table (kahit pa nariyan sila James, carry lang). Paniguradong maiinggit lalo sa ‘kin si Francine. Sa pagkakaalam ko, never niya pa kasing nakasabay kumain si Lloyd so lamang na naman ako sa kaniya. Wahaha! Haba talaga ng hair ko!

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa…

Hanggang sa umabot sila sa usapang ano, basta alam niyo na ‘yon!

Hindi ko alam kung wala lang talaga silang pakialam na marinig namin silang nag-uusap tungkol sa bagay na ‘yon o sadyang nakalimutan nilang may iba silang kasama.

“Naka-anong base na kayo? Ako second base,” pagmamayabang ni Harold.

“Tsk! Wala ka pala sa ‘kin! Ako? Naka-third base na sa girlfriend ko,” sambit ni Oliver sabay ngisi.

“Third base lang? Weak!” sabi naman ni Klein. “Kilala niyo ba ‘yon, ‘yong chix na malapit sa table nila Gino sa may bandang kanan?” tanong niya pa sabay nguso sa may kabilang table.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon