Entry #23

602 20 2
                                    

Entry #23

Dear Diary,

Kauuwi ko lang galing mall. Bumili kasi kami ni James ng mga materials for our group project na gagawin namin bukas. Sayang kasi hindi ko naging ka-group si Lloyd. Speaking of, you know what Diary? Nakita namin si Lloyd kanina sa mall habang namimili kami! And guess what? He was with someone! Ayos lang sana kung lalaki ang kasama niya kaso hindi! Ayon, kung anu-ano tuloy pumasok sa isip ko. Kung sino ba ‘yong kasama niya – kung kaibigan lang ba, kapatid, kamag-anak, kakilala, classmate, nililigawan, girlfriend o ex niya. Hindi ko mapigilang mainis habang pinagmamasdan sila. Ang sweet kasi nilang tingnan. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda pero napuno ng negative thoughts ang utak ko dahil sa ‘king nakikita.

I hate to admit but they do look good together. Hindi ko tuloy mapigilang ma-insecure sa kaniya kahit na alam ko namang mas maganda pa rin ako. (Anong connect? HAHAHA!) Kainis! Nadagdagan na naman tuloy ang listahan ng mga karibal ko.

Suddenly, a magnificent idea struck my mind.

Kaya naman bago pa tuluyang makapasok si James sa Greenwich…

“Sandali lang!” pigil ko sa kaniya.

“Bakit? Ayaw mo ba rito?” aniya.

Umiling ako at sinabing, “Mamaya na. Sundan muna natin sila,” sabay nguso sa dalawang magkasama hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Bago pa man makasagot, hinatak ko na siya papunta sa direksyon nina Lloyd. “Tara bilisan natin! Baka makalayo sila,” I uttered.

“Dahan-dahan naman! Makakaladkad ka parang walang bukas!” rinig kong sabi niya.

“Shh! H’wag ka ngang maingay! Baka marinig nila tayo!”

“Para kang tanga. Kung lapitan mo kaya sila,” sagot niya habang patuloy kami sa paglalakad. Napamura ako sa isipan nang umakbay si Lloyd kay mystery girl (whoever she is).

“Shut up. Panira ka ng plano,” I answered.

“Tsk, tsk. You and your absurd plans,” he hissed.

I rolled my eyes and said “Whatever!” and continued walking while spying on them.

Kanina, naka-akbay lang si Lloyd. Ngayon, magka-holding hands na! Namumuro na siya, a! Humanda sa ‘kin ‘yan! Hindi ako papayag na maagaw niya sa ‘kin si Lloyd! Ang akin ay akin lang, period!

Biglang pumasok sa Pizza Hut ang dalawa kaya sinundan namin sila. Umupo kami hindi kalayuan sa kanila, kung saan hindi agad kami mapapansin. Since gutom na rin ako, um-order kami ng makakain. Habang kumakain, pinagmamasdan ko silang dalawa mula sa p’westo namin. May kung ano silang pinag-uusapan kaso hindi ko marinig ang sinasabi nila. Mukha silang masaya dahil panay ang tawanan nilang dalawa.

“Dahan-dahan lang sa pagkain, baka mabulunan ka niyan,” natatawang sabi ni James sabay kagat ng pizza.

“Depressed ako kaya h’wag kang epal!” inis kong sagot. Idaan nalang sa pagkain, at least nabusog pa ako!

“Para ‘yan lang, inis ka na agad. H’wag kang mag-alala, hindi siya threat kasi matagal na naman silang hiwalay.”

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

“Buti naman! Dahil akin lang si Lloyd—wait, ano? Matagal na silang break? So naging sila?” I answered hysterically.

“Relax! Break na nga, ‘di ba? Matagal na silang tapos. Ano ka ba, past is past,” ngumunguya niyang sabi.

“He’s his ex-girlfriend kaya isa siyang malaking threat!” I exclaimed.

“Tss! Kung gusto ka ni Lloyd, ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit maghubad pa ‘yan sa harap niya.”

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon