Emilia's POV
Hay. Pasukan nanaman. Kakatamad pumasok eh. Oh well di lang naman ako ang tinatamad eh, pati yung mga tulig kong kaibigan tinatamad rin. Grabe.. Ang tagal ko na sa school na toh pero parang walang pinagbago. Maganda parin. Ang ganda parin ng school na toh.
"Ayaw ko pa pumasok! Pero.. May part rin saakin na gustong pumasok kase makikita ng mga girls yung napakagwapo kong mukha ahahhaa!" Sabi ni Ethan na sobrang yabang. Andito kasi kami ngayon sa bahay ni Zeke para kumain. Yep hahah dito kami nakain every morning kase..
Bakit nga ba? Trip lang namin. Minsan nga nagagalit na si Zeke saamin pero Go parin kami ng Go kaya ayun wala siyang magawa."Tss ang hangin grabe! May bagyo yata eh. Tara guys bilisan niyo na baka matangay pa tayo" sabi ni Albert kay Ethan kaya napasimangot bigla si Ethan kaya natawa nalang ako sa pinaggagawa nitong magpinsan na toh.
"C'mon guys. Punta na tayong school para malaman na natin kung magkakaklase parin tayo." Sabi ko at nagsitayuan naman sila kaya dumiretso na kami sa sari-sarili namin kotse.
Pagkadating namin sa school ay kita mo na agad yung mga estudyante na nagkakagulo sa loob. *sigh* lagi na lang sila ganyan. Everytime na papasok kami sa school, paglalabas ng classroom para maglunch or break, or even kahit uwian na. Lagi nila kami pinagkakaguluhan. Normal student lang rin naman kami dito pero kung ituring nila kami parang mga prinsipe at prinsesa. And that's what I don't like about them, they think we're cool, smart, kind pero hindi nila alam na may pagkafool rin kami minsan.
Pagkapark namin ng sasakyan namin ay lumabas na kami at dumiretso sa hall para tignan duon sa TV kung ano yung section namin.
"Aww. Di tayo classmates ngayon. Kaming dalawa ni Albert ang magclassmate tapos kayong dalawa ni Ethan at Zeke ang magclassmate. Room 308 tayo Albert then Room 305 kayo Zeke." Sabi ko. Medyo malungkot ako kasi di namin kaklase yung dalawa pero ayos na yun. Atleast kasama ko bespren ko na si Albert Scott!
Hahah proud bespren. Pero may nakita akong unfamiliar na surname..Hmm Montemor..?
Must be a new classmate.. Can't wait to see her! Sana naman hindi siya katulad ng iba diyan.
"Tss. Kasawa pagmumukha mo. Lagi nalang kita kaklase.-__-" sabi ni Zeke kay Ethan. Sumimangot naman si Ethan pero bigla nalang tumawa. Baliw na siya.
"Hahahaha!! Are you kidding me? Hahaha sa gwapo kong to, ayaw mo akong maging kaklase? Sa gwapo kong to, nakakasawa ba?" There he goes again. Umaangat nanaman ang kayabangan niya.
"Hindi.." -Zeke
"Hindi naman pala eh! Reklamo ka ng rekl--"
"Hindi nakakasawa kundi nakakasuka!" Sabi ni Zeke atsaka nauna nang pumunta sa room nila.
At yung mayabang na asungot, ayun naiwang nakatulala kaya natawa nalang ako atsaka sumunod na kay Zeke sa paglalakad."Kyahh! Ang Campus4!"
"Omg! Zeke ang hot mo!"hindi sila pinansin ni Zeke at dire diretso lang na naglakad. Tss ang sungit talaga neto.
"Ang ganda ganda mo Emilia!"
Nginitian ko lang yung nagsabi nun at saka siya nilagpasan."Albert! Ang gwapo mo! Pwedeng manligaw?!" Huwat? Nanliligaw na ba ngayon yung mga babae?
"Papa Ethan! Pa-kiss naman!"
"Hi beautiful ladies!" Sabi ni Ethan sabay kindat pa dun sa mga babae na nakapalibot sa kanya. Tss ganyan naman siya eh, magsasabi ng mga compliment sa mga babae tapos maya maya mahihiya rin tapos hihingi ng tulong saamin.
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad ng magvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext at nakita kong si Ethan yun at nahingi na siya ng tulong. Napailing nalang ako at saka tinago ulet yung phone ko sa bulsa. Bahala siya sa buhay niya.Nang makarating na kami sa sari-sariling kwarto ay umupo na kami sa upuan namin at syempre, katabi ko si bespren na si Albert. Habang naghihintay kami ng teacher namin ay puro bulungan ang naririnig namin ni Albert.
"Oh my gosh! Kaklase natin si Albert!"
"Yes pare! Kaklase natin si Emilia!"
"My ghad!" I hate drugs hahaha
"Parang mga bubuyog" sabay naming bulong ni Albert sa sarili. Nagkatinginan kami at sabay nalang na natawa. Dumating na yung teacher namin at laking gulat ko na si Miss Carmie parin yung adviser namin! Waaah!! Ang bait bait niya talaga kaya madaming estudyante ang gusto maging adviser siya.
"Teacher Carmie!" Sigaw naming lahat.
"Hi students! ^__^ Ow yeah, you have a new classmate..." Sabi niya atsaka tumingin sa may pintuan at sumenyas na pumasok na.
"Sana chix!"
"Sana gwapo! At HOT!
Bumukas ng dahan dahan yung pintuan at nakita kong nakablack shoes siya na naka knee length na socks, maputi ang legs, nakauniform, teka... Bakit parang ang bagal? Ano toh slow motion lang. At ayun nareveal na yung bago naming classmate at NGANGA! Ang ganda niya! As in super! Pumunta na siya sa gitna at nagsimula nang magpakilala habang ako naman ay eto, nakanganga parin. Tinignan ko si Albert at ayun NGANGA rin. Nagandahan siguro. Ayiee inlove na si espren.
"Espren.. Okay lang yan. Madami narin namang na love at first sight eh. Hahaha." Bulong ko sakanya atsaka tumingin ulet dun sa bago naming classmate.
"Hailey Montemor. That's all" cool na sabi niya. So siya pala si Montemor na nakita ko sa TV kanina. Saglit na natahimik ang mga nagbubulungan kong classmate atsaka sumigaw.
"COOL AND SPICY!" Sigaw nung mga classmate ko lalo na yung mga boys. Tinignan ko ulet si Hailey at nakita kong nililibot-libot niya yung tingin niya dito sa classroom at pagtingin niya dito sa side namin ay lumaki bigla yunv mata niya na ikinakunot ng noo ko. What's with her? Tinignan ko naman etong katabi ko at nakatingin lang siya ng diretso kay Hailey at nakangiti ng pilit. Magkakilala ba sila?
"Pervert Jerk" rinig kong bulong ni Hailey.
"Okay! Since you're a new student, you can sit he--"
"Can I sit there at the back? It's more comfortable back there." Sabi ni Hailey kay Miss Carmie at tumango naman si Miss kaya nagsimula nang maglakad papuntang likod si Hailey.
Hailey's POV
Nagulat talaga ako ng makita kong classmate ko pala si Jerk. Tss ang malas naman yata ng Highschool life ko this year. After kong magpakilala ay pumunta na agad ako sa upuan ko sa likuran. Sinadya ko talagang dumaan sa may gawi ni mr. PJ, short for Pervert Jerk, at saka tumigil sa may tapat niya. Di ako lumilingon sa kanya at tanging mata ko lang ang ginalaw ko. Palihim kong tinapakan ang paa niya atsaka pumunta na sa upuan ko. Tumingin lang ako sa may bintana saglit atsaka tumingin na ulet sa whiteboard.
"Tss Pervert Jerk"
******
A/N: feel free to comment po.
Vote
Comment
Share
Follow(Picture of Lia on the side)

BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Teen FictionGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...