Ethan's POV
Ano ba yan! Ang boring talaga dito sa bahay. Wala man lang akong magawa. Tapos ko na lahat ng games ko dito sa Xbox eh.
Ah! Bibili nalang ako ng video games mamaya.Tama!
"Sir Ethan! Kumain na po kayo. Nakahain na po." Sigaw ni Ate May, isang maid namin.
"Uhm sige po! Kayo nalang po kumain. Baka po kila Zeke nalang po kami kumain ngayon." Sagot ko pabalik.
Lagi kaming kumakain sa bahay nila Zeke kapag trip namin. Minsan nagagalit, pero wala eh takot kay Lia.
Speaking of the Devil...
Marunong pala kumanta yung mokong na yun, di ko in expect. Oo na! Ako na nagandahan sa boses niya pero mas maganda parin boses ko ano. Haha
Tapos si Hailey... Speechless. Ang ganda ng boses niya-- wait hindi lang basta basta maganda pero super ganda! Tapos ang ganda niya pa that time.
Bumaba na ako sa may sala at sinabi kay Manang na pakiready na nung susi ko kasi aalis na ako. Pagkaready nila ay sumakay na ako at umalis na papunta kila Albert.
I'm sure hindi pa yun nakain kaya sabay na kaming pupunta sa bahay nila Zeke.
Pagkarating ko ay bumusina ako at ang unang lumabas ay ang maid nila. Binaba ko yung window at saka sinilip yung maid nila.
"Hi po! Andiyan po ba si couz' Albert?" Tanong ko
"Ah opo. Saglit lang po tatawagin ko lang po. Pasok po muna kayo." Sabi niya at akmang bubuksan na yung gate ng pigilan ko siya
"Nako wag na po! Ayos na po ako dito maghintay. Salamat po" sabi ko. Tumango lang siya at pumasok na para siguro tawagin na si Albert.
Haha oh diba? Magalang ako. Kaya dapat tularan niyo ako. Magalang na, gwapo pa--
"Hoy! Buksan mo tong panget ka!" Sigaw bigla ni Albert. Di ko namalayan na andiyan na pala siya. Hehe sorry naman.
Binuksan ko na yung lock and pumasok na siya. Tapos nag drive na ako papunta sa bahay ni Zeke.
"Bro, i-text mo nga sila Lia at Hailey na dun na sila mag agahan sa bahay nila Zeke"
"Bakit ako? Ikaw nalang! Ikaw nagsabi eh" aba't? Grabe katamaran nito ah!
"Dalian mo! Ikaw na. Baka gusto mong mabangga tayo?" Panakot ko.
"Eh di try mo." At ako pa talaga ang tinakot ng mokong na toh? O sige, kung ayan ang gusto niya eh.....
Niliko ko yung kotse ko sa kabilang linya at binilisan pa ang pagpapatakbo.
"H-hoy! A-anong ginagawa mo ha?!" Hahah takot na siya
"Surprise!"
At lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse sa may puno sa gilid. Nung malapit na kami mabangga ay sumigaw na siya ng sumigaw.
"Waaah! Tulong! May baliw akong kasama! Tulong!" Walang tigil na pagsigaw niya hahaha
Niliko ko na iyon paiwas sa puno at binagalan ang takbo. Tinignan ko si Albert at kita mo sa mukha niya ang pagkatakot at pawis na pawis na rin siya.
Tinignan niya ako ng masama kaya natawa nalang ako at pinagtuunan nalang ulit ng pansin ang pag d-drive.
"Gag*! Baliw ka talaga! Alam mo bang muntikan na tayong sumakabilang buhay dahil sa ginawa mo?! Nahihibang ka na ba talaga?! Huh!" Sigaw nitong pinsan kong magaling.
BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Teen FictionGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...