Chapter 13

92 14 1
                                    

Lia's POV

Pagka alis ni Hailey ay tumingin muna ako kay Zeke at saka kami sabay na napa kibit-balikat dahil sa iniasal ni Hailey..

Oo alam ko na hindi talaga sila magkasundo ni Zeke pero, hanggang kelan? Di ba pwedeng friends lahat kami? Well, sabihin nating friends nga kaming lahat pero di naman kami as in yung close talaga. Lately ang ka-close ko lang ay si Hailey kasi ngayon lang ako nagkaroon nang kaibigan na babae at yung mga boys naman magsasarili nang kanilang gala. Para bang hindi pa masyado nag oopen up si Hailey saamin pero alam ko rin naman na darating ang araw na makikilala pa namin siya lalo at maibibigay niya nang buo ang tiwala niya saamin...

Pumasok na ako sa bahay nila Zeke kahit na hindi naman niya ako pinapapasok. Wala kasi yang kusa kaya ako nalang magkukusa na pumasok.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad niya saakin pagkapasok ko..

"Bibisita sana kaso umalis eh.." tukoy ko kay Hailey

"Ahh.."

Umupo na ako sa sala nila at saka kinuha yung remote nang TV..

"Oh." Napatingin naman ako dun sa nilapag niya sa center table nung magsalita si Zeke.

"S-salamat.." sabi ko sabay ininum yunh juice. Sanay naman na ako na ganito lagi, yung para bang ako yung may ari nung bahay hahaha pero syempre pag wala lang sila Tita April at Tito Alex.. nakakahiya naman kasi kung ganun pero pag si Zeke lang, aba! Ako yata boss niya hahaha..

"Ah bakit kayo lang dalawa ni Hailey ngayon?" Tanong ko.

"Ah kasi may importanteng meeting sila dad together with Tito Robert and siguro aasikasuhin pa nila yung magiging bagong bussiness nila kaya medyo matagal tagal daw silang mawawala..." napatango nalang ako.

"Tito Robert?"

"Mmm.. daddy ni Hailey." Oh! Now I remember..

"Oh yeah right.." bulong ko nang maalala ko yung introduction nung MC sakanila nung party..

Natahimik naman na kami at ni isa saamin ay walang balak bumasag nang katahimikan.. at dahil sa nabibingi na ako sa sobrang tahimik ay ako na rin mismo ang bumasag nun..

"Eh yung mom niya?" Biglaang tanong ko. Napatingin naman siya saakin na para bang naguguluhan..

"What do you mean?" Nakakunot noo niyang sabi.

"What I mean is... where is her mom? I haven't seen her since I've met Hailey. Wala rin siyang naikukwento saatin.." sabi ko at napabuntong hininga.

Napa-ayos naman siya nang upo at saka tumingin nang diretso sa mga mata ko. Ramdam ko naman ang pag init nang pisnge ko kaya naman iniwas ko ang paningin ko at tumingin nalang sa kabilang side.

"I don't know.. she don't mention her mom when she's with us.. " napatango tango naman ako at ibinaling nalang ulit yung paningin ko sa TV..

****

"Kain na tayo.. Lunch na." Tumayo naman na ako sa pagkaka upo at saka pumunta sa kusina para tumulong sa paghahain.

Di ko na kasi namalayan na lunch na dahil nanuod pa ako, or kami? Nang movie, I don't know the title.. Kingsman siguro?

Handa na sana kaming umupo para kumain nang biglang may nag door bell.

"Ako na.." sabi niya at tumango naman ako. Kaya tumayo na siya at binuksan yung pinto.

"Hi guys!"

Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon