Chapter 5 : Campus 5

60 15 0
                                    

Albert's POV

Nandito kami ngayon sa may bandang likod na part ng rooftop. Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng biglang may narinig ako ng isang paghikbi. Inikot ikot ko yung tingin ko pero wala akong makita.

"Bert anong problema mo?" Tanong saakin ni Ethan.

"May narinig kase akong paghikbi. Pero wala naman akong makita siguro na sa kabilang side ng rooftop. Ayun guys oh. Rinig niyo?" Tanong ko. Nagsitahimikan naman sila kaya mas lalo pa namin narinig yung hikbi. Siguro nacurious sila kaya nagsitayuan sila at iniwan ako dun. Tss di man lang ako hinintay. Tumayo na ako at sinundan sila. Pumunta kami sa likod ng isang pader dun at sumilip lang para tignan kung sino yung naiyak. Nang makita namin kung sino yung naiyak ay nagulat ako. Kaming lahat.

"Hailey?"

"Teka.. Siya yung nakasalubong ko sa mag corridor na nagsabi saakin na panget daw ako."

"Siya yung nakaaway ko sa may field. At siya rin yung naglagay ng karayom saakin"

"Siya yung nakila-- Este siya yung classmate namin, si Hailey Montemor"

"Tara guys lapitan natin" sabi ni Lia pero pinigilan ko siya atsaka umiling.

"That would not be a great idea Lia" tinignan niya lang ako ng What-do-you-mean-look kaya umiling nalang ako. Wala naman na akong choice kaya sumunod nalang ako sakanila. Tahimik lang kaming lumapit sa kanya pero syempre hindi kami nagpakita.
Hahawakan na sana ni Lia yung balikat niya ng magsalita ako.

"You might fell out of the roof when you stay on that position" sabi ko. Nagulat siya kaya napatigil siya sa paghikbi atsaka alanaganin na tumingin saamin. Nginitian ko lang siya. Ganun din ang ginawa ni Lia at nung dalawang ugok. Nagdikit yung kilay niya.

"What are you doing here?" Tanong niya saamin.

"Uhm para siguro mamili ng mga gamit?" Sarcastic na sabi ni Ethan kaya binatukan siya ni Zeke kasi siya yung malapit saamin. Napa 'aww' naman siya kaya napatawa nalang ako ng mahina.

"Tss get out of here. Bakit niyo ba ako kinakausap?"

"Diba friends na tayo? Mag bestfriend tayo kaya andito kami." Ano? Tama ba narinig ko mula kay Lia? Bestfriend niya toh?

"Tch. I didn't agree naman eh. Kaya get off. Ayaw ko makipagkaibigan kahit kanino." Napasingkit ang mata ko. Ayaw niya magkaroon ng kaibigan?

"Pero bakit?" Biglaang pagtanong ko.

"Why do you need to know huh?" Mataray niya sabi. Tch. Ako na nga itong nagmamalasakit ako pa tinarayan.

"Tsk. Wag na nga! Wala rin naman pala akong mapapala sa pagtatanong ko sayo. Bahala ka na" sabi ko at tumalikod na.

"Wala naman kasing nagsasabi na magtanong ka eh noh?" -Hailey

"Wala.." sabi ko.

"Wala naman pala eh.." sabi niya

"Enough already! Para kayong aso't pusa. Or worst, dragon at lion." Singit ni Lia

"Tss" sabay naming sabi ni Hailey

"...now, tell us why." Pagtutuloy ni Lia sa sinasabi niya.

Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon