Chapter 15

50 12 11
                                    

Hello po! Hehe sorry po sa sobrang tagal na UD😊 Dapat po talaga pupublish ko toh last last month pa kaso napakahirap po maging estudyante😂 andaming kailangang kompletuhin na requirements for clearance, kaya di ko po ito naasikaso. Ni hindi ko nga po yata nahawakan tong phone ko😂 Ang pinakamamahal kong iPhone😂😘 So ayun, hope you can forgive me. Sorry na rin po in-advance para sa mga wrong grammars, typos, etc. Stay tuned wow!😂

Hugs & Kisses Dears😘
XoXo

*******

Hailey's POV:

"Bye po tita. We'll visit you again tita, kapag po may free time po kami." Paalam ni Lia saka sinara yung pinto. Naiwan naman ako dito sa kwarto dahil sa may pag uusapan daw kami ni mom.

Hinarap ko naman si mom. Nakangiting nakatingin parin sa pinto pero may pait. Kaya dahan dahan na akong lumapit sa kanya at saka siya hinawakan sa kamay dahilan para mapalingon siya saakin. Ganun rin ang ginawa ni kuya.

"Mom..." nangingilid nanaman ang mga luhang sabi ko.

"Iyakin ka parin sweetie." Natatawang sabi ni mom. Napangiti naman ako. Totoong iyakin ako pagdating sa pamilya ko. Nakakatawang isipin na ang tingin saakin ng mga kaibigan ko ay masungit, pero sa totoo lang ay mas iyakin pa ako kay Lia.

"Okay, anong pag-uusapan natin?" Sabi ko sabay pahid sa mata ko. Biglang sumeryoso si mom saka may kinuhang black envelope at saka iyon ibinigay saakin. Taka naman akong nilingon si mom.

"What's this?" Sabi ki at itinaas pa ang envelope na hawak. Tumikhim muna si kuya, bago magsalita si mom.

"Someone--"

"Mom, I think this is not yet the right time for that.." bulong sa kanya ni kuya pero dahil sa sobrang tahimik ng kwarto ay narinig ko iyon.

"It's never been the right time, Andrew but we have to face the fact na kailangan na nating sabihin sa kanya ngayon. " sabi ni mom na nakapagpakunot ng noo ko at ni kuya. Seriously, wala akong maintindihan.

"A-ah, I don't know what you're talking about.." iiling iling na sabi ko. Napabuntong hininga naman si kuya saka umiling. Tatango-tango naman si mom.

"Ok fine.." sabi niya kay kuya na para namang nakahinga ng maluwag saka bumaling saakin. "...wag mong bubuksan iyan maliban kung sinabi ko, arasseo?" Nagbabantang sabi saakin ni mom dahilan para mapaatras ako ng unti.

"A-arasseo.." nauutal na sabi ko pero ganun na lang ang gulat ko nang bigla siyang ngumiti na halos maging guhit na ang mata niya saka ako binigyan ng thumbs-up.

"Good" ewan ko kung dahil ba yun sa sakit niya kaya siya ganun pero nawiwirduhan ako kay mom. Okay masama na kung masama eh ganun eh.

"You better go home na sweetie. May pasok pa kayo bukas ng kuya mo kaya magpahinga ka na sa bahay." Sabi ni mom. Nag aalinlangan man ay sinunod ko ang sinabi ni mom. Nagpaalam lang ako saglit sa kanya at saka naman ako inihatid ni kuya.

Habang nasa elevator kami ay para akong lutang. Naglalayag ang aking isipan at hindi namamalayan na nasa ground floor na kami.

Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon