Albert's POV
Patayo na sana si Hailey ng biglang magring yung phone niya dahilan para mapatigil siya at kuhanin yung phone niya sa purse niya. Tinignan ko lang siya hanggang sa sumenyas lang siya na may tawag siya. Tumango lang kami kaya nagsimula na siyang maglakad paalayo saamin. Syempre dahil sa curiousity ko, sinundan ko siya ng palihim at nagtago sa may pader malapit sa kanya. Tinatawag ako ni Lia pero hindi ko nalang siya pinansin at nakinig sa usapan nila.
"Oh bakit?..What now?..In your face. Bakit ka ba kasi tumawag?... Hay. Eto na po. Hello love ko! Musta na diyan?... I'll tell you once you get here. GTG bye." Sabi niya atsaka binaba ang tawag. Loves ko? Sino yun? May boyfriend na si Hailey? Nagsimula na siyang bumalik sa table namin kaya agad agad akong tumakbo papunta sa upuan ko and pretend that I didn't hear anything. Dumating naman na siya at umupo ulet dun sa tabi ni Lia at tumingin sa may glass wall.
*BRrrrrrr.....*
Nagulat ako sa lakas ng tunog ng tiyan ni Hailey kaya medyo napatawa ako pero hindi ako nagdalawang isip na alokin siya ng pagkain. Kita ko pa ang pagpula ng mukha niya siguro dahil sa hiya. Ang cute.
"Eto pagkain gutom ka na eh" alok ko sakanya.
"Wag na busog pa ako."
"Busog? Eh bakit tumunog yang tiyan mo?" Pang aasar kong tanong sa kanya. Kita ko naman ang pag kuyom ng kamao niya. Asar nanaman siya.
"Oo gutom ako. Pakielam mo naman diba?" Sabi niya atsaka tumayo.
"Mauna na ako guys" sabi niya at aalis na sana ng biglang nagsalita si Zeke.
"Teka Hailey! Paano ka uuwi diba wala kang dalang sasakyan? Gusto mo hatid na--" hindi pa natatapos yung sinasabi ni Zeke ng biglang magsalita si Hailey. Tinignan ko si Zeke at kita mo sa kanya na nag aalala siya para kay Hailey. Yung mga tingin na yun... -__-
"Don't worry tinext ko na si Manong driver na sunduin ako. I'm sure nasa labas na siya. Una na ako. Salamat nga pala Zeke para sa pagsabay mo saakin kanina sa car mo. Ciao." At umalis na siya ng tuluyan. Tahimik ang atmosphere simula nung umalis si Hailey. Wala pang may gustong bumasag nang katahimikan kata nagsalita na ako.
"Guys. Una na ako. May gagawin pa ako eh" sabi ko at tumayo na.
"Teka. San ka pupunta Couz?"
"Basta. I need to do something very important. Bye guys."
"Bye Bert ingat ka."
"Thanks Lia" at umalis na. Tumakbo ako papuntang parking lot at sumakay sa kotse. Inistart ko na agad ang engine at sinundan ang kotse nila Hailey.
---------
Tumigil sila sa isang gate na na design na puno kaya tumigil na rin ako sa di kalayuan. Nakita kong may dalawang gaurd na nagbabantay sa may Gate atsaka sila pinagbuksan. Shemay. Di ako makakapasok. Pinatay ko na ang makina at lumabas na ng kotse. Pinark ko naman yung kotse sa tagong part kaya di nila yun agad agad makikita. Pagkalabas ko ng kotse ay nilibot ko ang tingin ko para makahanap ng lugar kung saan pwedeng makapasok ng hindi napapansin ng gaurd.
[Picture of the Gate]
BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Teen FictionGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...