Zeke's POV
"Mag-iingat kayong dalawa dito huh? Matagal tagal din kaming mawawala dito" sabi ni mom habang suot suot ang nakakalokong ngiti.
"Ikaw anak... walang magbabantay sayo, wag kang lalabas nang gabi para bumili nang pagkain, may pagkain naman diyan so hindi mo na kailangan pang bumili---" hindi tinuloy ni Tito Robert yung sasabihin niya sa anak niya nang may sabihin sakanya yung nakakainis niyang anak
"Okay okay, I get it dad. You don't need to remind me, I'm not a kid anymore" ngumiti naman si Tito sa anak niya pati na din yung kuya niya at pinet sa ulo kaya yung pag dikit nang kilay ni Hailey ay nawala. Andito kasi yung kuya niya para daw bisitahin saglit etong kapatid niyang nakakainis.
"There there"
"O siya tara na, baka malate pa tayo sa meeting ngayon" sabi ni dad at umalis na nga sila pero bago yun, humalik muna sila sa pisngi ko at ganun di ang dad at kuya ni Hailey sa kanya.
"Mag-iingat po kayo" sabi ni Hailey sa kanila
"Thank you. Be a good boy and good girl okay? Aalis na kami" sabi ni dad at papa ni Hailey saamin at umalis na talaga.
"Yuck" sabay naming sabi ni Hailey kaya napatingin kami sa isa't isa.
"Bakit gaya gaya ka?!" Sabay ulit naming sabi nitong babaing 'to
"Ikaw kaya tong gaya gaya" sabay ulit naming sabi
Aba?!
Nag "tssk" siya at tsaka siya lumapit saakin na medyo napa atras ang isa kong paa,
"Ohh, bakit parang takot ka?" Ganun na ba ang tingin niya?
Napaseryoso ako nang mukha,
"Hindi ako takot, lalo na sayo? Hah! Babae ka lang." at umakyat na ako para hindi na humaba yung pagtatalo namin nang babaeng toh. Buti nga hindi na siya sumagot ehHailey's POV
Ang yabang talaga, akala mo kung sino porque babae ako mahina ako?! Minamaliit niya ako!
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin kay manang na nakatingin lang saakin.
Ngumiti siya at lumapit saakin,
"Pag pasensyahan mo na yung batang yun ah? Sadyang ganiyan na yan dati pa, simula nung mga bata pa silang apat.. Sabi may rason daw.."napataas ang kilay ko, ano ba kasing rason at ganiyan yung panget na mokong na yun?
"Ano po bang dahilan?" Tanong ko
"Naku ija, pasensya ka na. Di ko rin kasi alam eh. Ni kahit isa saamin walang nakaka alam. Kahit sa mga kaibigan niya, di rin nila alam. Pasensya ka na" anong klaseng kaibigan ba 'tong si Zeke? Pati sila Lia hindi man lang kayang pagkatiwalaan. Nag lilihim? Tssk tssk...
"Ay hindi po. Ayos lang po. Pasensya na po sa abala.
Ako nalang ang aalam nun" sabi ko kay manang at umalis na siya papunta sa kusina.Napatingin nalang ako sa hagdan kung san umakyat si Zeke.
Ano kayang rason niya para magka ganyan siya? He's so impossible
*******
Kasalukuyan akong nasa kwarto nang biglang may kumatok. Pinatay ko muna yung TV at saka bumaba nang kama para pagbuksan iyon nang pinto.

BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Ficção AdolescenteGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...