Chapter 9 : Terrified

47 14 4
                                    

Lia's POV:

7:45 pm na at nandito na ako sa party na ginaganap nang dad ni Zeke, at sila Albert at Ethan? Ayun sa may kainan, lumalamon. Mag-pinsan nga naman

At si Zeke? Nako. Baka hindi na pumunta, anong oras na din ohh?

Kung sino pa yung anak nang nag ganap ng party, siya pa yung hindi pupunta.

Napayuko ako at napabuntong hininga

Umupo na si Bert at Ethan sa upuan sa ka-harap ko lang, "Bad mood?"

"Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan" sabi naman ni Ethan

"Nah.. Just because I am not talking doesn't mean that I'm in a bad mood. Sometimes I just like being quiet

Just for a little bit"

"Alam mo... Kumain ka na lang, gutom ka lang yata ulit, masarap yung mga handa nila ngayon dito" ngiting sabi ni Bert at kasabay nun ang pag akbay ni Ethan saakin

"Oo nga, andun ka nga din oh? Tignan mo" turo niya dun sa letchong baboy kaya sinamaan ko siya nang tingin at pinagkukurot sa braso niya kaya napa alis siya sa pagkaka akbay saakin pero tumawa lang rin

Hindi naman ako mataba eh! Sakto lang kaya katawan ko

"5 minutes before the start of the celebration" sabi nung MC at tiyaka ulit inilagay yung mic dun sa stand.

Tinignan ko si Ethan, "Hindi na pupunta si Zeke ano?"



Nagkibit balikat lang siya, "Hindi ko alam, kadalasan naman kasi kapag hindi siya pupunta mag t-text yun eh"

"Baka walang load" singit naman ni Bert

"Yaman yaman nun tapos walang load" sagot ko naman

"Tinatamad mag pa load" sabi naman ni Ethan

"Whatever, samahan niyo nalang kaya ako kumain? Nagugutom na din pala ako" sabi ko at hinila na yung dalawa sa may kainan

"Kelan ka ba hindi nagutom?" Siniko ko si Bert dahil sa sinabi niya

Sira ulo talaga yun ang mean. Paano ko ba siya naging bestfriend?

At ayun nga, kumuha ako ng kung ano anong pagkain, halos mapuno na nang pagkain yung plato ko sa sobrang dami

At pagkatapos kong kumuha, pumunta na ulit kami sa table namin

"Ang takaw mo Lia...tataba ka niyan" pang aasar nitong si Ethan

"Hindi lang basta tataba, baka maging lobo na rin" at nagtawanan yung dalawa. Kelan ba ako tatantanan nang dalawang to sa pang aasar nila? Batuhin ko sila diyan eh makita lang nila

Kumakain ako ng maalala ko yung sabi ni Tito Alex yung name nung company nung bussiness partner nila na dati ay bumagsak na ngayon ay naging number 1...

Quinilla Geodaehan Hotel

Wait... Quinilla

Di kaya sila kuya Andrew yun?

Napa ubo ako ng wala sa oras dahil bigla na lang ako nabulunan ng wala sa oras. Nakuha ko yata yung attention ng mga kalapit naming tables pati na rin sila Ethan. Nakakahiya

Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon