Chapter 4 : Brain Tumor

58 13 0
                                    

Hailey's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita kong may mga ambulance na nasa labas ng bahay kaya agad agad akong lumabas ng kotse at tumakbo dun para malaman kung ano ang nangyari. Nang makita ko si Butler Jude ay nilapitan ko kaagad siya ay nagtanong kung ano ang nangyari.

"Butler Jude! Anong nangyari dito?" Tanong ko sa kanya. Lumingon siya saakin at tinignan lang ako. Kita sa mata niya ang pag aalala kaya mas lalo akong kinabahan.

"Lady Hailey..."

"Tell me! What happened! Please.. I'm begging you. What happened?" Naiiyak na ako dahil sa pangamba. Yumuko si Butler Jude atsaka sinagot ako.

"Your mom... She's in the hospital right now." Nagulat ako sa narinig ko kaya napatulala nalang ako. Parang ayaw mag process sa utak ko lahat ng narinig ko mula kay Butler Jude. Gusto kong wag maniwala. Di ako naniniwala.


"Tell me that's not true. Tell me that's only a joke please. *sniff* please TELL ME!" Wala sa sarili at umiiyak kong tanong kay Butler Jude ngunit hindi siya sumagot. Kaya nagmamadali kong hinanap si dad sa buong bahay ngunit di ko siya makita kaya dumiretso na ako sa hospital. Wala akong pakielam kung lumalabag na ako sa traffic rules basta ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang kalagayan ni mom.

Nang makarating na ako sa hospital ay dali dali akong pumunta sa may registar at tinanong kung anong room ni mom at nagmamadaling pumunta duon. Pagkadating ko dun ay nakita ko si mom na mahimbing na natutulog. Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil sa nakita ko. Napansin siguro ako ni dad kaya agad agad siyang lumapit saakin.

"Anak..."

"Dad. What happened?" Nag aalalang tanong ko kay dad.

"Nahimatay siya kanina kaya dali dali ko siyang dinala dito. Tinest na siya nang mga doctors dito at ang results nito ay may Brain Tumor siya anak...

...pero hindi pa alam kung cancerous ba yun o hindi. May itetest pa sakanya once ma magising na siya."

Pagkasabi nun ni dad ay sabay sabay na nagsibagsakan ang mga luha ko. Di ko maisip na magkakaganito si Mom. Di ko lang talaga matanggap na may tumor si mom. I just can't.

"Dad..*sniff* p-paano n-agkaroon ng t-tumor si mom? D-dad paano?" Umiiyak na tanong ko kay dad. Naguguluhan na ako ng sobra sobra.

"Ssshh baby don't cry. Mom will be alright. I promise. Stop crying." Pagpapatahan saakin ni dad pero hindi ko parin mapigilang hindi humagulgul dahil sa nangyayari kay mom. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang pagiyak ko. Nahihirapan na ako huminga, siguro inatake na ako ng asthma ko. Nakalimutan ko pa naman din yung inhaler ko sa kotse. Unting unting nagdidilim ang pangingin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang sigaw ni dad.

"Hailey! Hailey! Doc! Hailey!"

----------

Nagising nalang ako nang nakahiga dito sa hospital bed at may mga nakakabit saakin. Naalala ko ang nangyari kay mom kaya dali dali akong umupo at nakaramdam ako ng onting hilo pero binalewala ko lang iyon at tinanggal yung mga nakasabit saakin atsaka pumunta sa kwarto ni mom. Nakita ko sa dad na naghahanda ng pagkain at si mom na gising na nakahiga sa may hospital bed. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko kaya bago pa ako makita nila dad na naiyak ay pinunasan ko na agad yun atsaka ngumiti. Napansin ako ni dad kaya lumapit siya saakin. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon