Hailey's POV
Nasa hallway na kami ng school, at halos nakatingin na yung mga tao saamin, or I should say kay Albert? Pero hindi eh, saamin talaga naka tingin.
"Si Albert, bakit may sinusundang babae?"
"Bakit ganun? Hindi naman ganyan si Albert saatin ah?"
"Unfair, bakit siya lang?"
"Hindi porque maganda siya may pasungit sungit pa siya kay Albert"
Hindi naman bulungan yang mga ginagawa nila ah, bakit may palapit lapit pa sa may tenga ng katabi nila? Ganyan na ba bulungan ngayon?
At isa pa tong Albert na toh eh. Kanina pa sunod ng sunod saakin! Ayaw ako tantanan. Kanina pa tanong ng tanong ng kung ano ano like,
May boyfriend ka na ba?
Kung wala, may nagugustuhan ka na ba?
Meron ka bang kababata na gusto mo?
Argh! Nakakairita na eh!
At bakit sa mga nadadaanan naming classrooms kilala talaga si Albert? Ngayon ko lang napansin.
Napasapo naman ako sa noo ko.
Malamang Hailey. Kasama nga siya sa sikat na grupo dito eh, sa Campus4 na ngayon ay.... Campus5?
Di ko alam kung alam na ng mga estudyante dito na magkakaibigan na kami. Kaya siguro ganyan sila. Tss how disrespectful! Di ba nila alam na maling tao ang kinakalaban nila? Argh Nevermind.
"Narinig mo sila? You know you should be grateful dahil ikaw ang kinakausap ko at hinahabol nang ganito at hindi sila" Aba? Pwede munang masuka ngayon? Ang feelingero din nito ehh. Hindi lang pala si Ethan ang feelingero sa kanila. Silang tatlo!(Albert, Ethan, Zeke)
"Hah, sino ka ba? Me? Should feel grateful to the likes of you? In your dreams PJ" napahinto ako pagkasabi ko nun at humarap sa kanya habang taas taas yung kilay ko sa kanya. "Hindi ka lang pala pervert, kundi mayabang ka din, tss so annoying. Diyan ka na nga, baliw." at lumayas na nga ako sa harap niya.
Pero akala ko, makakatakas na ako sa bwiset na araw ko, dahil si Ethan naman ang nakita ko malapit sa TLE room at nakangiti nang nakakaloko.
"Tss another pervert sicko" bored look at irita kong sabi.
"Hindi ako pervert ah! Grabe ka naman.." Inirapan ko nakang siya at lalagpasan na sana kaso hinarangan niya ako.
Ano bang problema nitong lalaking toh? Upakan ko na kaya siya?
"Padaanin mo ako." Matalim na tingin ko sa kanya habang nag wa-warning na ang boses ko nang sabihin ko yun sa kanya.
"May sasabihin lang naman ako eh." Napabuntong hininga ako atsaka tumayo nang maayos at tinaasan siya ng kilay na parang sinasabi na 'Ano?'
"Aayain ka lang naman sana namin sa Party sa isang araw sa mansion nila Zeke. May party kase para dun sa bago nilang--" di ko na siya pinatapos dahil nagsalita na ako bigla.
"Ayoko" at nilagpasan na siya. Buti nga hindi na ako hinarangan eh.
"Pati si Ethan?"
"My gosh, bakit yung girl na yan ang ginaganyan nila?"
"Dapat ako eh!"
BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Teen FictionGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...