Hailey's POV
Nagising nalang ako dahil sa may naramdaman ako sa may pisngi ko.
Tinataboy taboy ko yun gamit yung kamay ko, alangan namang paa eh nasa pisngi nga? Pero ayaw parin tumigil."Mmh..."
"Aurgh!! Ano ba yun?! Panira naman ng tulog eh!" Sigaw ko at napatayo dahil sa umistorbo ng tulog ko. May narinig akong tumatawa kaya dinilat ko yung mata ko at nakita si Kuya Andrew na nakahilata sa sahig at natawa habang nakahawak sa tiyan.
"Hahahaha!! Ang epi--- Ang epic nun! Hahaha!! Grabe mukha mo Hails! Haha!" Napabored look nalang ako atsaka tumayo at kinuha yung unan sa may gilid ng sofa at saka lumapit kay Kuya na hanggang ngayon ay natawa parin.
"Ku..YA!!! Walang hiya ka talaga! Istorbo ka sa tulog ko! Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh tapos sisirain mo lang?! Walanjo! Lumabas ka na nga!" Sigaw ko sa kanya habang pinagpapalo siya ng unan. Letchugas yon! Dumating lang siya dito sa bahay, gumulo na ULET ang buhay ko. Tapos idagdag mo pa na dito na daw siya mag- iistay at mag tatapos ng pag aaral! Bwisit! Sira na nga lagi ang araw ko sa school dahil sa Manyakis na si Albert tapos idadagdag pa si Kuya? What the hell?!
"Chill ka lang! Pinagtitripan lang naman kita eh. Namiss ko kaya baby girl ko!" Sabi niya sabay akbay saakin na agad ko namang inalis.
"Baby girl ka diyan?! Umalis ka na nga!"
"Ang sama sama mo talaga. Di ko alam kung kanino ka nagmana. Di naman ganyan sila mom and dad eh. Bad ka! Hmph!" At nag arte artihan pa siya na parang bata... Psh may sapak na talaga to sa ulo. Maluwag turnilyo...
"Isip bata ka talaga. Lumabas ka na! Sinira mo na tulog ko kaya tapos na mission mo dito kaya layas! Shoo! Shoo!" At tinutulak ko siya palabas ng pintuan pero nyemas.. Ang bigat niya.
"Ano, mabigat ako noh? Weak mo little sis." Aba't?! Sumosobra na talaga siya ha?! Ako? Weak? Neknek niya! Di ko nalang pinatulan at patuloy parin sa pag tataboy sa kanya. Nang nasa may pintuan na siya ay tinulak ko na siya ng buong lakas ko kaya napunta na siya sa labas. Isasara ko na sana yung pintuan ng bigla siyang nagsalita ng seryoso.
"Bilisan mo at kumain ka na sa baba.. Wag ka na matutulog ulet ha, bilisan mo na rin maligo at magbihis dahil may naghihintay sayo sa labas." Hala?! Sino naman yun?
"Ah geh." Sabi ko atsaka tinignan yung monitor sa may gilid ng kama na nakaconnect sa camera sa gate, sa unahan ng bahay at sa unahan ng pinto ng kwarto ko. Nakita kong may kotse sa unahan ng gate at kinakausap ang gaurd. Agad agad kong kinontact yung gaurd na nagbabantay sa labas ng bahay gamit ang telephone. Mga ilang ring ay sinagot na rin.
["Lady Hails, meron pong nagpupumilit pumasok. Gusto daw po kayo makita--- hoy! Si Hailey ba yan? Pakausap nga ako. Mga walang hiyang mga gaurd. Sabing kakilala nga namin si Hailey eh! Kaibigan!"]
Napailing nalang ako dahil sa naririnig sa kabilang linya na boses ni Ethan. Medyo maingay rin, yung parang *psshh psshh* sa telepono basta ganun. Pinag aagawan pa pati telepono eh. Pag yan talaga nasira babayaran nila yan. Aba? Syempre naman kase ako ang pagagalitan nila dad kapag nasira yun.
[H-hailey.... P-pwede ba p-pumasok? Please?] hinihingal na sabi ni Ethan. Bumuntong hininga na muna ako bago sumagot.
"Yes. Please pass the telephone to the gaurd." At binigay na siguro na nila kay kuya gaurd yung telepono.
"Let them in. They are my friends. They have my permission to stay here and go here anytime they want." Sabi ko. Ang tagal pa bago sumagot ng gaurd. Pero maya maya rin ay sumagot na rin siya.
BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Fiksi RemajaGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...