Hailey's POV
*BRIZK BRIZK*
Nagising ako nung biglang mag ring yung phone ko. Pupungay pungay ang matang kinuha ko sa side table ang phone ko at walang ganang sinagot yun.
"Hello?"
"Good morning sweetie. Nagising ba kita?" Natatawang sabi ni,
'Mom?!'
Agad agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at saka nabuhayan. Parang nawala nalang bigla yung antok ko..
"Mom?!" Di makapaniwalang sabi ko, "Gwaenchanna?? W-wala bang masakit sayo mom? Nakakakain ka ba ng maayos diyan? Si kuya inaalagaan ka ba ng mabuti diyan?" Sunod sunod na tanong ko at natawa naman siya. Napakunot naman ang noo ko
*Translation: Gwaenchanna - Are you okay?*
"Hahaha you're funny sweetie. Of course I'm okay here lalo na at andito ang kuya mo. Don't worry." Natatawa na talagang sabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita,
"Mmm... that's good to hear mom."
"Sweetie, can you do me a favor?" Tanong ni mom
"Of course mom. What is it?"
"Please... take care of yourself. Lagi kang magpapasama sa mga bodygaurds mo" seryosong sabi niya
"Hmph.. mom, I'm okay. Don't worry. Isipin mo nalang mom na you need to rest, drink all your medicines para makauwi na.." natatawa pang sabi ko. Pero nawala rin agad ang mga ngiti sa labi ko nang marinig ko siyang bumuntong hininga.
"Why? Did I say something?" Tanong ko.
"Come here today. I need to tell you something." Seryoso talaga siya ngayon.
"O-okay." Nauutal na sabi ko at saka inend call.
Anong meron kay Mom?
Bumangon nalang ako mula sa pagkakahiga at saka dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ay hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni mom.
'Ano bang meron at ganun kaseryoso si mom?'
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako sa walk-in closet ko. Pagkabihis ay dumiretso na ako sa dinning area. Nakita ko si Zeke na nakain na dun pero hindi ko na siya pinansin at nagdere-deretso na sa upuan ko at nagsimula nang kumain nang mabilis.
"Hey, nagmamadali ka ata masyado ngayon? San lakad?" Nakangiting tanong niya.
"Somewhere.." walang ganang sabi ko at saka sumubo.
"So I guess, I can't let you go out of this house today."
Naibaba ko ang kutsara't tinidor ko at saka inis siyang tinignan.
BINABASA MO ANG
Just You & Me|[[On-going]]
Подростковая литератураGwapo? ✔️Check Cool? ✔️Check Cute? ✔️Check Maganda? ✔️Check Apat na pinakasikat sa campus na tinatawag na Campus4 ang palaging pinagkakaguluhan araw araw sa university. Eh paano kung dumating ang isang babae? Na walang pakielam kung matalino, magand...