Chapter 16

55 6 17
                                    


Hailey's POV


"So! Anong ganap sa classroom niyo?" Tanong ni Lia, nakatingin kila Zeke at Ethan.
Habang hawak hawak niya ang stick-o at sa isang kamay naman ay ice cream. Takaw tlaga.



"Kasalanan mo yun eh!" Sigaw ni Ethan habang nakaturo kay Zeke na preskong preskong lang na nakaupo habang nakikinig nang kung ano ano sa headphones niya. Sa sobrang lakas nang sigaw ni Ethan, napatingin na rin yung mga nasa kabilang table sa kanya.




"Woi! Wag mong iniisnob tong gwapong nilalang na nasa harap mo!! Akala mo gwapo ka? Pwes, simula nang ipinanganak ako, wala nang ibang gwapo at hot bukod saken--! Araaaayyy!"


"Shut up. Di ka gwapo." Sabi ko saka ulit umupo nang maayos. Ang ingay ingay, nakakahiya siyang kasama. Well kung tinatanong niyo kung anong ginawa namin, binatukan lang naman namin siya ni Lia.

"Tama, di ka gwapo." Argh, napairap nalang ako sa sinabi niya. Bakit kasi kailangan pa niyang magsalita pwede namang hindi na.


Si Pj lang naman. Ang nakakabwisit na Pj. Oo hanggang ngayon di parin kami bati and never ako makikipagbati dyan sa bwisit na yan.


"Tss.. di niyo lang kasi matanggap--araaayy!! Ano bang problema niyo?!" Sabi ni Ethan saka hinimas himas yung tagiliran niya. Kinurot kasi siya ni Lia. Masakit pa naman mangurot.


"Manahimik ka nalang." And syempre balik nanaman siya sa pagkain niya.


"Magpinsan nga kayo ni Hailey! Napagalitan ako nang dahil dyan sa lalaking gusto mo, tapos ako pa ginaganyan mo? Ouch Lia, mashaket~" at ayun nagbakla baklaan. Tinignan naman namin siya nang masama kaya ayun tumahimik. And I saw Lia, blushed. I knew it. Pero si Zeke kaya? (Tingin kay Zeke na naka earphones pero umiwas rin agad dahil biglang tumingin) Ah nevermind.


"Y-you j-jerk! Shut the fuck up!! At bakit ako magkakagusto dyan sa gentleman na lalaking yan?!" *insert sarcastic tone* Tama naman siya eh, di gentleman si Zeke. Wala nga yatang pake yan sa mga babae. Patay si Ethan neto. Galit na galit si Lia eh, nagmura pa nga eh. Ngayon ko lang narinig mag mura yan.


At ayun naman si Ethan, nakanganga with matching laki mata. Siguro di rin makapaniwala. "Ow yeah by the way. Don't tell anyone, lalo na kay dad na nagmura ako. Ngayon lang" sabi niya saka tayo at upo sa tabi ko. Katabi niya kasi si Ethan kanina.



"Tch. Ano ba kasi talagang nangyari sainyo sa classroom?" Tanong ni Pj.



Umupo naman nang maayos si Ethan saka itinuon yung dalawang braso sa mesa. Bahala na sila basta ako kakain lang ako dito. Favorite ko pa naman yung andito ngayon.. J.co donuts! Syempre meron sa canteen niyan dito kasi nagpalagay talaga si dad kasi alam niyang fav ko. Weeee~



"Ganito kasi yan, nakaupo lang ako nananahimik. Well syempre tahimik lang naman ako kapag nakikinig sa teacher or nasa cp ang atention ko. Kawawa pa nga phone ko nun eh. Wala na tuloy'ng cp ang gwapong nilalang sa mundo---" I cut him off. Tss ang daldal eh ayaw pa sabihin nang diretso.



"So, you're saying na nagccp ka all the time at hindi nakikinig sa teacher tama? Nakita ka ni Zeke kaya tinawagan ka niya. Eh hindi nakasilent ang phone mo kaya tumunog nang malakas tapos nagulat ka pa kaya nahulog yung phone. Napagalitan ka." Dirediretsong sabi ko. Nasabi ko lang naman yan dahil obvious na masyado eh. Tsaka nababasa ko rin sa mga libro at wattpad. Tss oo na! Nagwawattpad na ako DATI. Dati yun. I'm too old for that.



Just You & Me|[[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon