Copyright © Night_Rielle, 2019
CHAPTER FIVE:
Ilang beses na akong nagpapakawala ng mura sa utak ko. Hindi ko alam kung ilang buntong-hininga pa ang kailangan kong gawin para kumalma ang sistema ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang notebook ko at patuloy na nagkakabisa ng formula para sa subject naming General Physics. Oh gods! Nakalimutan kong may summative test doon ngayon. Masyado kasi akong occupied sa mini away namin kahapon ni Taehyung. Pumunta pa siya sa amin kahapon kaya it completely slipped out of my mind! Masyado rin akong nalibang sa pakikipaglalaro namin kay Taelyx. Nalaman ko lang na may test noong tinanong ako ni Taehyung noong lunch break kung nakapagreview na ba ako doon.
“Oy,” naradaman ko ang mataman niyang pagsundot sa pisngi ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa mga sinasaulo ko. Napapikit ako ng mariin nang may makalimutan ako. Sinilip ko ulit ito sa aking kwaderno at pilit tinatak sa bawat ugat ng utak ko. Nagambala ulit ako nang malakas niyang sinundot ang tagiliran ko. Nagulat ako doon kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
“Ano ba Taehyung! Nagkakabisa ako oh,” singhal ko pero imbes na matakot ay tinawanan niya lang ako. Aba talaga!
“Hindi ka nga talaga nakinig sa discussions kahapon noh?” ngingisi-ngisi niyang panunuya sa akin na mas ikinairita ko. Naghahamon kong itinaas ang isang kilay ko sa kanya.
Iminuwestra niya ang kamay sa buong classroom. “Nakikita mo ba silang nagrereview ng ganyan tulad mo?”
Nilibot ko ang mata ko sa apat na sulok ng silid at napunang kalmado lang ang mga kaklase ko. Hindi tulad ko na nagwawala na ang bawat sistema sa katawan at halos magdugo na ang utak sa pagrereview. “A-akala ko ba may test?” Biglang tumalim ang mata ko. “Niloko mo lang mo ba ako na mayro’n?” parang kulog ang aking boses sa lakas. Napatingin pa ang iba naming kaklase sa aming gawi.
Agad siyang umiling at natawa. “May test pa rin. Sinabi ‘yun kahapon. Tanungin mo man sila. Pero hindi mo kailangan kabisaduhin mga formula.” Natawa siya. “Eto oh,” sabay pakita ng index card niya, “Formula card ko.”
Pinadulas niya ito sa desk ko. Nang makita ko ang mga nakasulat na formula doon na kinakabisa ko ay agad na lumukob ang pinaghalong inis sa sarili at panghihinayang sa oras. I immediately bit my tongue when I sensed that I was about to bombard a load of cusses.
“Ayan kasi. Hindi nakinig kahapon. Hindi na nga alam na may test, hindi pa alam na kailangan ng formula card. Huwag mong sabihing wala ka ring sci-cal na dala ah?” tumataas ang isang kilay na puna niya.
Nagmamadali ko namang hinalungkat ang bag ko. Nagtiim agad ako ng bangang nang hindi ko mahanap ang calculator ko.
Napa-facepalm naman siya nang mabasa sa reaksyon ko na wala akong dala. “Alyx naman. “ He clicked his tongue in annoyance. “Papahiramin na nga lang kita. Oh eto index card. Magsulat ka na ng formula mo.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang kuhanin ko sa kanya ang isang one-half index card at sinimulan na ang pagsusulat. Pinahiram pa niya sa akin ‘yung kanya para hindi na ako magbrowse sa notes ko. Mabilis kong pinahid paalis ang tumulong pawis sa aking sentido. Sinilip ko lang sa gilid ng mata ko si Taehyung na tahimik na pinagmamasdan ako.
“Nandyan na si Sir! Nandyan na!” deklara ng mga kaklse kong nakaantabay sa labas na nagsitakbuhan agad papasok.
“Tangina,” hindi ko na mapigilang bulalas dahil wala pa sa kalahati ang mga nasusulat ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/78953105-288-k194944.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned by a Jerk || Kim Taehyung
Genç KurguKim Taehyung and Alyx Dallanes are the best of friends. They both grew with the companion of each other. They're the usual best friends you would see running in the hallways, hand in hand and both giggling. As they both step to their senior year, un...