June 16, 2016
Saturday
Cherry Pie's house
Bluewaters Village, FlorinzaPagkakita ko kanina sa sarili ko sa salamin ay natigilan ako. Akala ko ay multo ang nakatitig sa akin! Yun pala ay ako lang yun.
Namamaga at mugto ang mga mata ko. At ang itim pa ng eyebags ko. Paano kasi ay kanina ko pa iniiyakan si Barry.
Mukha na tuloy akong mawmaw da halimaw sa kakaiyak.
Gah!!!This has to stop soon!!! Kung mukha akong halimaw today ay baka isa nakong manananggal next week!
Naisipan ko na puntahan ko today ang best friend ko, my pinaka-bestie, si Nina Sta. Cruz, ang first cousin ko sa mother side.
Magkaedad kami ni bestie Nina. She's also nineteen years old, at isa pa ay dito rin siya sa Florinza nag-aaral. Hindi nga lang sa KPU, sa Florinza College siya nag-aaral at kumukuha siya ng nursing dito.
Mabilis akong nag-shower and nag make-up. Sinuot ko ang blue tank top ko tsaka floral mini-skirt with white sandals.
Inayos ko ang make-up ko ng maigi para hindi halatang umiiyak ako kanina. Pero halos hindi ko maitago ang namumula kong ilong kahit ilang beses nakong nag-concealer.
Tsk,tsk. Sometimes boys are such big trouble, huh.
Paiiyakin ka.
Maloloka ka.
Nakaka-stress!!!
Kaya I swear, next time I won't fall inlove so easily again! Biro mo, daig pa ang extreme tooth ache ang pinagdaraanan ko ngayon. Parang nasagasaan ng bus ang puso ko, sobrang sakit ng feeling ko.
Ang sakit-sakit!!!Bakit nagkakaganito ako kay Barry gayung ayaw naman niyang mag-commit sa akin.
Mas gugustuhin ko pa sigurong linisin ang ilong Pasig na gamit ang isang maliit na toothbrush mula umpisa nito hangang dulo kaysa ma-in love. I swear!!!
Kung may crayola lang ako ngayon na kasing laki ng planet earth, ay isusulat ko sa sky na "girls!!!don't be fooled by boys!!!" Para makita ito ng lahat ng girls mula Apari hangang Jolo.
Hahaha! Joke lang naman mga sis!
Pero bago ako umalis sa bahay nag-paalam muna ako kay yaya Tess, ang kasama ko sa bahay. Kinuha siya ni lolo Pablo para may kasama ako dito sa bahay na binili niya para sakin habang nag-aaral ako sa KPU.
"Yaya Tess! Aalis po muna ako! Pupuntahan ko lang po sandali si Nina sa bahay nila!" Ang nagmamadali kong sinabi kay yaya.
Madalas ay kami lang dalawa ni yaya Tess ang magkasama, pero kapag minsan dito na rin umuuwi si Nina kapag galing niya sa school para mag-bonding kaming dalawa.
Lumingon sa akin si yaya Tess na bising-busy na nagluluto ng fried chicken sa kusina habang nasa sala ako at papaalis papunta kina Nina. "OK anak! Mag-ingat ka ha at huwag kang magpapagabi! Alam mo naman ang mama Camille mo! Baka biglang tatawag dito at hanapin ka!" Ang habilin sakin ni yaya Tess.
"Opo! Uuwi po ako ng maaga!" Ang masaya kong sinabi atsaka kona sinarado ang front door pagkalabas ko.
Excited akong maka-kuwentuhan si Nina. Gusto kong mapag-usapan namin si Barry, lalo na at medyo matagal na rin kaming hindi nagkikitang magpinsan.
BINABASA MO ANG
My Bad Romeo /Boys Over Flowers Fanfic#wattys2016
Teen FictionSometimes love happens with wrong reasons. A wrong kind of guy. Hindi si ideal prince Romeo, as a matter of fact, sometimes sa isang bad Romeo. But what if we find happiness with that wrong guy? Although the relationship may start with some big p...