Kahit first cousin ko si Trina ay hindi niya ako gusto at tanggap.
Hindi kami 'legal' sa pamilya ng papa Ray ko.Medyo complicated kasi ang situation namin nina mama Camille ko at nang mga kapatid ko. Kami yung api sa angkan nina lolo Pablo.
Ganito kasi yon, si mama ko ay second wife lang ni papa Ray ko. College student sa Cebu si mama noong nagkita sila ni papa ko. Humiwalay sa kanyang first wife ang papa Ray ko dahil nangaliwa ang una niyang asawa.
Kaya ang sabi sa amin ni papa Ray ko ay si mama Camille ko ang tunay niyang asawa kahit second-wife lang niya si mama ko.
Pero dahil galing lang sa mahirap at di kilalang pamilya si mama Camille ko ay hindi siya tuluyang tinanggap ng pamilya ni papa Ray ko.
May apat kaming half-siblings sa unang asawa ni papa Ray ko. May dalawa kaming kuya at dalawang ate. At lahat sila ay nakatira kina lolo at lola ko.
Kung kaya't hindi namin lubusang naramdamang magkakapatid ang lubusang pagtanggap at pagmamahal nina lolo ko sa amin. Kami na mga anak ni papa Ray ko kay mama Camille ay hindi nakakalapit sa mga magulang ng papa ko.
Kapag may family celebrations sila, hindi kami invited. It's as if we don't exist to them. Hindi nila kami binibisita sa bahay namin sa Laguna. At walang palagiang pangungumusta sa amin.
According to my mom, at sa mga nakatatanda kong mga kapatid, noong mag-asawa pa ang parents ko ay masaya naman ang family namen. Medyo marangya pa nga kami noon.
Si papa Ray ko ay isang magaling na lawyer, at nagkaroon sila ni mama ng munting negosyo na isang maliit na furniture shop sa Cebu.
Lumago ang negosyo ng mga magulang ko noon. At naging maligaya ang pagsasama nilang mag-asawa kahit ayaw na ayaw ng lolo at lola ko sa mama ko.
Dahil parte lang ng buhay ang problema, ay nagka-problema sa finances ang magulang ko. Nawalan daw ng trabaho si papa ko noon bilang isang corporate lawyer sa isang Filipino company na tuluyan ng nagsara. Sakto naman at humina ang furniture business nina mama at papa.
Kahit may problema na ang samahan nina mama at papa ay pinilit ni mama na maging maligaya ang pamilya namin. Nakakita ng bagong trabaho sa Laguna si papa Ray kaya lumipat sila doon. One year later ay ipinanganak na ako.
Then, nine years old ako noong tuluyan ng naghiwalayan sina mama at papa ko. Lumipad papuntang America si papa Ray ko at wala na kaming narinig pa magmula sa kanya noong huli namin siyang nakita.
Dito na nag-umpisang humirap ang buhay namin. Hindi na natapos ni mama ang college niya dahil nag-asawa na siya noong third-year college student pa lang siya sa Cebu kay papa Ray ko.
Kahit anong trabaho, pinasukan ng mama Camille ko para maitaguyod niya kami ng maayos. Pumasok siya bilang isang maid, janitor, at naglabandera pa siya.
At ilang buwan pagkatapos umalis ni papa Ray ko ay may dumating kaming bisita sa aming munting dampa sa isang squatter's area sa Laguna.
Noong kasama pa namin si papa Ray ko, nakatira kami sa maliit na apartment. Nang iniwan na niya kami ay hindi na nakapagbayad si mama Camille ko ng renta sa bahay kung kaya't lumipat kami sa isang pinagtagpi-tagping maliit na dampa at dun na kami tumira at dinatnan ng aming bisita.
Siya si tito Henry ko. Pinapakumusta kami nina lolo at lolo ko. Bumaba siya sa isang mamahaling kotse na isang BMW. Marangya at maayos ang kasuotan niya. At may bitbit pa siyang mga groceries at pasalubong na Jollibee family meal para sa aming lahat. Kasamang bumaba ni tito Henry ko sa kanyang pulang BMW ang secretary niya.
Kahit nahihiya noon ang mama ko kay tito Henry ko at masakit ang kanyang kalooban sa pamilya nina papa Ray ko ay nakipag-usap siya nang maayos sa kanila.
Nalaman ni mama ko na ibinili pala kami nang bahay at kotse ni lolo ko. Binili niya kami ng two-storey house sa isang maliit na village sa Laguna. May five bedrooms ito, two kitchens, malaking garden, at isang maliit na swimming pool. Noong tumira na kami doon ay nilagyan ni lolo Pablo ng isang cute na metal swing ang puno ng acacia na nakatanim sa binigay niyang bahay sa amin minsang bumisita siya sa amin. Twelve years old ako noong linagay niya ang swing na yon para sa akin. Years later, I realized, na siguro mahal naman kami ni lolo. May mga bagay lang siguro ang hindi na niya ma-control.
Pinilit nina tito Henry ko na tanggapin ni mama ang tulong ng kanilang pamilya. Kahit masakit ang loob namin ay walang magawa ang mama ko noon. Magmula noon ay pinapaaral na kaming magkakapatid at sinusustentuhan na kami buwan-buwan ni lolo Pablo ko. Kada buwan ay dumarating ang personal secretary ni lolo ko upang iabot kay mama ang 500,000 pesos na sustento namin. Bukod pa doon ay iniaabot sa aming magkakapatid ang monthly allowance namin kay lolo. Si lolo ko rin ang sumasagot sa mga gastusin namin sa bahay tulad ng grocery bills, damit namin, basic utility bills, gas expense, food atbp.
Dahil sa tulong ni lolo Pablo ko ay naipagpatuloy naming magkakapatid ang pag-aaral namin sa private schools. Sa dating schools namin nina ate at kuya ko ay isa kami sa mga pinaka-mayaman sa mata ng mga classmates ko. Pina-OK kasi ang school allowance namin. Pero ako, matipid talaga ako. I save on my allowance a lot. Sa bargain sales, ukay-ukay, at mga baratilyo lang ako madalas mag-shopping.
Si mama Camille ko naman ay binigyan ng pondo ni lolo Pablo para makapag-umpisa siya sa munting negosyo niya. Nakatira kami sa Gold Rose Village, Dominguez, Laguna. Sa loob ng village ay may mini-grocery si mama ko at may pwesto siya sa Dominguez market at nsgbebenta siya doon araw-araw ng manok, isda, at baboy. Magmula nang nakita ko si tito Henry ko noong nine years old ako ay naging OK na ang buhay namin nina mama financially. Hindi na kami nagutom pa at nagipit sa pera kahit kailan.
Sa St. Martha Academy ako nag-high school. Doon ay popular ako, confident, maraming friends, at active sa extracurricular activities kahit na in the running ako palagi sa highest honors ng school. Focused lagi kasi ako sa studies ko, gusto ko sanang mapasaya noon si mama sa mga high scholastic scores ko. Marami akong best friends sa St. Martha. Pinangarap naming lahat ng best friends ko na sa Manila lahat kami papasok ng college. Pero ako lang ang hindi nakatupad nang pangarap naming iyon. Ito'y dahil sa King Phillip ako pinaaral ni lolo ko.
Parang isang maliit na isda sa maraming mga isda na nalunod sa dagat at lumangoy papalayo ang papa Ray ko. Hindi ko na siya nakita pa kahit kailan. Nakita ko na ang mga dolphins and whales, pero ang papa ko, iniwan niya ako sa dalampasigan na hindi na ako kinausap pa kahit kailan. Lagi akong nasasaktan na para bang hindi nya kami anak. Kapag minsan, I wonder a lot kung naiisip pa niya kami. Before, the pain was so bad na para bang nalulunod ako sa hinanakit. Hangang nakasanayan ko nang huwag ng hanapin pa si papa. Ngayon, ang dating mga sugat ko sa puso tungkol kay papa ay mga scars na lang. Mga pilat na lang sila.
Si Trina naman ay nakikita ko kapag pinapasundo kami ni lolo para bisitahin namin siya. Older sa amin yung mga half-siblings namen kay Papa Ray. Nice naman sila sa amin, yung 'hi', 'hello', 'kumusta' pero hindi kami nakiki-close at mukhang hindi nila kami gusto. Kapag nandun kami kina lolo si Trina talaga ang lagi kong nakaka-kontra. Maarte siya at isang spoiled brat. Ten years pa lang kami nagmemakeup na sya. Lagi siyang naiinis sa akin kasi favorite daw ako ni lolo Pablo. Kahawig ko daw kasi si lola Rosita ko kaya ako yung favorite ni lolo.
Lagi akong kinukurot ni Trina atsaka sinusungitan. Kaya yung ginagawa ko sinasabunot ko siya kapag napipikon na niya ako.
Si Trina ay anak mayaman. Nabibili niya ang lahat ng gustong niya sa buhay. Marami siyang rich kids na friends. Noong high school naiinterview siya sa magazines and newspapers. Hindi iisipin ng mga tao sa aming bayan at mga friends ko sa school na first cousin ko siya.
Kaya kapag nagkikita kami ng pinsang kong si Trina sa school lagi siyang nang-iisnab at nakasimangot sa akin. Hindi niya ako kinakausap at lagi niya akong linalait. Iniiwasan ko na lang siya. Ang masakit pa, si Trina matapobre ang popular sa uni namin.
BINABASA MO ANG
My Bad Romeo /Boys Over Flowers Fanfic#wattys2016
Teen FictionSometimes love happens with wrong reasons. A wrong kind of guy. Hindi si ideal prince Romeo, as a matter of fact, sometimes sa isang bad Romeo. But what if we find happiness with that wrong guy? Although the relationship may start with some big p...