Kasama ni Gabrielle Romeo, or Gael ang best friends niya sa araw na ito. Ang best friends niyang S10 boys, the Super Ten Boys.
Ang mga S10 ay tight best friends na mga perfect prince ang reputation sa lahat.
Mag best friends sila since kinder.
Alam nila ang lahat sa isa't isa. Tunay na magkakapatid ang turingan nila sa bawat isa.
Tahimik at malungkot si Gael Romeo habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan niya.
Alam naman ng lahat ng best friends niya ang reason na hindi maganda ang mood ni Gael.
At ito ay dahil lubhang napakahirap ng pinagdaraanan ni Gael sa kanyang pinapalakad na mga family companies, ang Romeo Corporation.
Isa pa ang pagwawalang bahala sa kanya ng kanyang nanay.
Dumagdag pa ang pag-iwan ng kanyang kuya Val sa kanyang dalawang maliliit na anak.
Bukod pa riyan ay siya rin ang nagpapalakad sa King Phillip University, na solong pag-aari ng kanyang pamilya.
Super worried pa si Gael sa kalusugan ng kanyang daddy, si Mr. Fernando Romeo na inatake sa puso five months ago.
At lubos siyang nalulungkot, parang hindi sisipot ang mommy Sahara niya sa kanyang birthday party.
Si Gael kasi ang iniupo na ni Fernando Romeo, ang kanyang ama, bilang company president ng Romeo Group of Companies.
Kaya inatake sa puso si Mr. Fernando ay dahil sa nonstop niyang pagtatrabaho sa kanyang mga kumpanya.
Lubos na hindi na kakayanin ng daddy ni Gael ang manatiling chief chairman ng Romeo Corporation.
That's why Gael was given no choice but to become the company president of Romeo Corporation.
Hindi nila kasi maaasahan ang dalawa niyang kuya dahil hindi nila nahiligan ang pagnenegosyo.
Maliit pa lang si Gael ay he was already being groomed to be the successor of Mr. Fernando Romeo.
Nakikitaan na kasi ang dalawang kuya niya na hindi nila gustong maging tagapalakad ng Romeo Corporation.
Unlike his two older brothers ay malaki ang pagnanais ni Gael na mapasaya ang kanyang ama.
At isa pa ay responsible at masipag na tao si Gael. Pinapahalagan niya ang pinaghirapan ng kanyang lolo at daddy. Dahil sa paghihirap nila ay sila ang naging pinaka mayamang pamilya sa Pilipinas at kasama sila sa top 100 richest family sa buong Asia.
Ang mommy niya ay si Lady Sahara, isang ravishing beauty na anak mayaman rin. Ten years old si Gael noong tuluyan ng nagdiborsiyo ang kanyang mga magulang.
Bukod pa riyan ay napakataas ng pressure kay Gael na mapalago ang Romeo Corporation. Sometimes the pressure to succeed gets to him, kaya pumapangit kapag minsan ang kanyang mood.
Sa araw na ito, Biyernes, ay magkakasama silang magkakaibigan sa malaking palasyo ng angkan ng Romeo sa probinsya ng Florinza.
Abala silang sampu na naglalaro ng billiards, poker, at video games.
"Dude, forget about your mom, anyway every birthday mo naman siyang nangngakong magpunta sa birthdays mo, hindi naman siya sumisipot." Ang sabi ni John sa kanyang best friend.
Ngumiti si Gael. Alam niyang tama si John sa sinabi niya. Marami ng hindi tinupad na pangako sa kanya ang mommy niya. At dahil dito ay ipinangako niyang hindi na niya mamahalin ang mommy Sahara niya.
"Dude, alam mo tama si John. Siguro tama na ang lagi kang umaasa na magbabago ang mommy mo." Ang sinabi naman ni Noah.
Kasalukuyang naninirahan sa buong mundo si Lady Sahara, madalas siya sa Jamaica, Europe, at New York. Lagi niyang kasama ang socialite best friends niya who jet sets around the world.
"Yeah, John, Noah. You're both freaking right about my mom." Marahang sinabi ni Gael.
Masakit ang puso niya. Lumaki siyang salat sa pagmamahal sa magulang. Hindi naman niya masisi ang daddy niya, kailangang tutok sa trabaho ang daddy Fernando niya.
Halos mga katulong at bodyguards ang mga kasama niya noong maliit pa siya. At si butler Lee.Napansin ni David na malungkot ang best friend niya. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. "Dude, it's OK. Nandito lang kami para sayo." Nakangiti niyang sinabi.
Sumaya na si Gael. Alam niyang totoo ang sinabi ng kanyang best friend.
Mula pagkabata nila ay lagi niyang naaasahan ang best friends niya, ang Super Ten Boys.
BINABASA MO ANG
My Bad Romeo /Boys Over Flowers Fanfic#wattys2016
Teen FictionSometimes love happens with wrong reasons. A wrong kind of guy. Hindi si ideal prince Romeo, as a matter of fact, sometimes sa isang bad Romeo. But what if we find happiness with that wrong guy? Although the relationship may start with some big p...