Spending the day off from school with friends is the best thing in the world! Ang masayang naisip ni Cherry Pie.
Today is Sunday at kaninang madaling araw ay nakinig siya nang misa sa St. Judith Cathedral kasama ang pinsang niya at bestie na si Nina. Pagkatapos nilang nakapagsimba ay dumiretso sila sa downtown market ng Florinza upang mamalengke. Napag-usapan kasi nilang magkakatropa sa Ang Nerds Forever ay magkikita-kita sila sa bahay ni Cherry Pie.
Excited siyang magluto nang lunch at desserts para mapagsaluhan nilang magkakaibigan.
Next week on Wednesday kasi ay may student art exhibit na sasalihan ang iba niyang mga kaibigan, lalo na si Benjamin na isang drawing and art enthusiast. Magkakasama sila sa araw na ito upang matulungan nila ang mga kaibigan nilang sasali sa exhibit sa pagtapos nang kanilang art works.
Every weekends ay madalas silang nagkikita upang magkakasama. Pinakapaborito ng mga BFFs ni Cherry na tumambay sa kaniyang bahay dahil sa galing niya sa pagluluto. Lagi siyang nakatoka sa pagluluto para sa mga kaibigan niya. Sa mga pagkakataong ganito ay nararamdaman ni Cherry Pie na buhay pa rin ang love niya for cooking and baking. Tuwang-tuwa siya sa bawat pagkakataong kinakailangan niyang magluto para sa mga importanteng tao sa buhay niya.
At syempre dahil darating ang sweet best friend niyang si Chloe ay mayroon siyang gustong ikwento dito tungkol sa matters of the heart. Pero hindi ito tungkol kay Barry. She wants to talk about Noah. Ang knight in shining armor na nagpahiram ng hankies niya sa kanya nang dalawang beses.
"Si Noah, he's a real nice prince. Isa siyang super kind guy. And he's really cute." Ang nakangiting naisip ni Cherry Pie.
Naramdaman niyang namula ang mga pisngi niya.
Linagay ni Cherry Pie ang kanang kamay niya on top of her chest. Nafeel niya ang mabilis na tibok nang puso niya. Nakatayo siya sa sala at nakita niya ang sarili niya na namumula nga ang mga pisngi niya. Kasing pula ng red apples ang mga cheeks niya. Bumilog ang mga mata niya and her mouth formed into an O shape.
"Ano ba! Bakit kinikilig naman daw ako. Kalerky!" Ang naiilang niyang sinabi.
She shook her head and quickly picked up her hairbrush. Mariin niyang sinuklay ang buhok niya sa harap ng wall mirror to get her mind off Noah.
Kanina pa niya lininis at inihanda ang kanyang munting bahay na bigay ng kanyang lolo Pablo. Inayos niya ang mga throw pillows, teen magazines, at art supplies sa sala bilang paghahanda niya sa pagdating ng kanyang college best friends.
Sinundo siya kanina nang kanyang pinsang si Nina. Five-thirty A.M. nang nakarating si Nina sa kanyang bahay na hinatid ng kanyang kuya Charles gamit ang isang maliit na Suzuki motorcycle. Dinala nilang mag-bestie ang pink car ni Cherry papuntang St. Judith Cathedral upang umattend ng 8 A.M. mass.
Bago nagshower kanina si Cherry ay tumambay muna siya sa garden habang iniinom niya ang kanyang freshly squeezed orange juice. Excited na excited siya sa araw na ito dahil makakasama niya ang best friends niya sa school mamaya-maya.
Napatitig siya sa masiglang sikat ng araw sa asul na langit. Naramdaman niyang maganda ang pakiramdam niya. Hindi tulad kagabi na masakit na masakit ang loob niya kay Barry.
Sa umagang ito ay puno ng dewdrops ang mga dami sa may kaliitan niyang hardin. Sumasayaw naman sa hangin ang mga makukulay na bulaklak na itinanim ng kanyang lola Rosita pagkatapos nilang binili ang bahay para kay Cherry Pie. Nahuhulog na parang mga pearl drops ang mga beads of water na nasa kanilang mahahalimuyak na petals. U ulan ng malakas kagabi, na parang nakikisimpatiya ito sa malungkot na puso ni Cherry Pie. Kanilang madaling araw lang tumila ang ulan.
Kuminang ang mga water drops na para bang mga diamante sila sa paningin ni Cherry Pie. "Sana, huwag na akong umiyak pa nang ganon, yung tulad kagabi. Gusto ko sana maging cheerful na ang pakiramdam ko, katulad ng araw ngayon na nasa langit." Ang mariing wish ni Cherry.
***
Ngayong oras na ito ng four o'clock in the afternoon ay masaya silang magkakasamang mag-kakaibigan. Busy na tinatapos ng mga kaibigan ni Cherry ang mga artworks nila sa lanyang living room at sa patio ng kanyang garden.
Nasa kitchen naman si Cherry at busy na tinatapos ang mga baked goodies niya para i-serve sa best friends niya. Napansin niyang naubos na ang sugar niya. Kaya naisipan niyang bumili ng sugar sa grocery na malapit lang sa kanilang village.
Ang hindi niya alam ay magkikita sila dito ni Gael.
Inayos ni Cherry ang makeup niya at suot ang floral shorts niya at blue spaghetti top niya ay nagpaalam muna siya kina Nina at Chloe na pupunta siya sa mini-grocery. Nagmadali siyang umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
My Bad Romeo /Boys Over Flowers Fanfic#wattys2016
Teen FictionSometimes love happens with wrong reasons. A wrong kind of guy. Hindi si ideal prince Romeo, as a matter of fact, sometimes sa isang bad Romeo. But what if we find happiness with that wrong guy? Although the relationship may start with some big p...