Chapter 5: kat and kaye

51 0 0
                                    

Chapter 5: Ang buhay ni kat and kaye.

-KAT'S POV-

Hi ako nga po pala si Kathy Blair T. Valdez.. 17 years old. At eto po yung bestfriend ko si Kaye Madrigal sa tabi ko. Di ko nga alam kung bat ko naging bestfriend to! Sobrang opposite kasi ng ugali namin. Si kaye maarte at sikat sa school, party girl, laging kasali sa beauty contest, maraming nanliligaw at higit sa lahat sexy. ako naman normal na tao lang, di ako nagaayos sa sarili ko, Minsan pumapasok ng di pa nagsusuklay ng buhok but since na nakilala ko si kaye, everything changed. nag susuklay na ako, nag bibihis na ako ng maganda and higit sa lahat nag liliptint na ako but di ako pumaparty mas gugustuhin ko pa humiga sa kwarto at kumain ng gummy bears kesa uminom ng kung ano ano. I;m a loser i admit it, but dahil siguro lagi kong kasama tong si kaye kaya di ako nagmumukang totally loser. Ang mapagmamalaki ko lang naman sakin is.. May hidden talent ako at ayon ang singing hahaha ako lang nakakaalam ng hidden talent ko, malamang hidden nga eh! pati din pala si mama rose kaming dalawa lang. Si kaye di alam tungkol sa talent kong singing, ayoko nga. Pagkakalat nya kasi to tapos papakantahin nya ako pag may mga school programs. Ayoko non, shy type ako e! Haha. fyi isa din kasi sa student council to si kaye kaya pag sinabi ko yon baka irecommend nya pa ako! haha. Diba ang cool ni kaye!!! Kaya pinatulan ni vince to eh! hahaha. Matagal na kaming bestfriends ni kaye, since pagkapanganak kami na ata tadhana na magbestfriends e? Pano ba naman mommy niya at mommy ko bestfriends din. Galing no? sabay pa nabuntis mommy namin mas matanda lang ng 2 months si kaye, october 10 si kaye ako naman december 25. yes noche buena ako pinanganak! hahaha parehas pa kaming K first letter ng name. Laging kasama si kaye tuwing may family gatherings at family reunion kami magpapamilya at ganun din ako sakanila, since na namatay dad ko because of lung cancer stage 4, pumunta na si mama sa ibang bansa after nilibing si dad siguro para mag move on din, ayoko sumama kasi ayoko iwan si kaye so kami lang ni mama rose sa bahay. Nung namatay kasi si daddy mga 10 years old lang ako non. sobrang nalungkot si mommy di nya alam gagawin niya dahil si daddy ang breadwinner namin. kaya pumunta sya ng canada para mag business! Naiintindihan ko naman sya para din sakin yon pero ang Hirap talaga ng walang nanay sa tabi mo plus only daughter ako. Buti nalang si mama rose di ako iniiwan nandiyan palagi para sakin. (Si mama rose yung nagalaga sakin simula bata palang ako. Mama talaga tawag namin sakanya ni mami pati din ni kaye haha Loyal to sa pamilya valdez dahil siya din nagalaga kay mommy nung maliit pa ito) tagal din bumalik ni mommy sa pilipinas mga 6 years din siya nawala, pero tumatawag naman sya sakin di lang siya umuuwi ng pinas. Nung sweet 16 ko lng siya bumalik, tapos pagkakita ko sakanya may kasamang boyfriend! Buti pa nanay ko may boyfriend eno? Bt kaya di ako nagmana sa nanay ko daming lalaki. Arte kasi niyan. Feeling teenager parin hanggang ngayon! Yung mommy naman ni kaye nasa bahay nila isang house wife tapos yung daddy niya nagtratrabaho sa ibang bansa, mayaman yan sila kaye ang bait bait pa ni tita agot! (Mommy Ni kaye) Ewan ko lang dito kay kaye bakitt di nagmana sa mama niya medyo pasaway kasi tong si kaye since na only child din kaya spoiled brat! Hahaha. Mahilig kami mag mall nito ni kaye, tuwing weekends kasi lagi kami lumalabas nito! ngayon weekend lang hindi kasi nga diba umiyak siya kay vince! Di naman kasi si vince nanligaw sakanya, si kaye kaya nanligaw! Eh crush na crush niya talaga yan si vince eversince na lumipat to nung 1st year sa st. lourdes academy (school DAW ng mga magaganda't gwapo.. sabi nila) sobrang saya niyan ni kaye nung sinagot siya ni vince. Pangit pakinggan eno? Di naman kse si vince nanliligaw sa mga babae, di ata marunong manligaw. Kadalasan mga babae nageeffort! Grabe ang dami kayang haters ni kaye nung naging sila ni vince, well wala naman pagbabago ganun talaga, lahat ng nagiging gf ni vince binabash. Based on the theory, si vince daw kasi walang tumatagal na babae diyan pinaka matagal niya 1-2 months ewan ko kung totoo yun? or walang tumatagal? si kaye nga almost 2 weeks lang eh! hahaha pero mahal niya na agad matagal kasi landian bago maging mag bf/gf. Sabi nila Ideal boyfriend DAW si vincee pero para sakin HINDI. May ideal bang gago? Haha haynako pano ko kaya magagawa mga binabalak ni kaye kay vince? Kayanin ko kaya? hay ewan. basta ako go with the flow nalang. Kailangan ko pang pagaralan mga galawan ni vince.. para sa bestfriend ko! Keri to. Wooooo.

..~

So ano? Anong masasabi niyo kay kaye at kat? hehe. comment below! and please sorry if kung may wrong grammar ako or wrong spelling hehe. enjoy guys! sana magustuhan niyo. feel free to comment below kung ano pa po mga kulang, kung msyado ba boring or mahaba. thank you! xoxo

Bawal mainlove nakakamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon