chapter 16:Vince pov

110 0 2
                                    

Chapter 16

-Vince pov-

Kakauwi ko lang galing sa subd nila kat. pinky swear pang nalalaman lol di kita tetext no. Ano ka chix?

Pero nakatingin padin ako sa iphone ko. Inintay ko si kat kung matitiis niya ba ako. Konti nalang e, nararamdaman ko na konting landi pa bibigay na tong nbsb na to. pasalamat siya ako yung unang pumatol sakanya. 

humiga na ako sa kama ko at napaisip

Oonga no. Bakit nga ba bigla ko kinausap si kat na mag pretend kami. 

dami kasing nagtatanong na barkada ko bakit si kat? 

Siguro dahil na interesado ako sakanya. 1st year palang kasi new student ako, di lang halata pero pinagmamasdan ko na yan si Kat kasama yung si kaye. Lagi silang nagtatawanan, pag umiiyak si kaye laging nandiyan si kat parang napaka bait niya. Gusto ko siyang lapitan dati pero laging hadlang si kaye pag lalapitan ko na si kat.

Si kaye? Wag na kayo magalit sakin di ako babaero kusa lang talaga lumalapit yung mga babae sakin, sorry na! nag sorry na pala din ako kay kaye. di lang talaga siya maka move on. kasalanan ko ba? di pa kami sinasabi ko na sakanya na tama na di kami magtatagal pero walang nangyari kahit nasasaktan ko na siya tuloy padin siya sa relasyon namin. biruin niyo natiis niya ako. . 

di mahirap mahalin yung mga babae na dumadaan sa buhay ko pero ayoko kasi na ako hinahabol para sakin turn off yon, gusto ko ako yung naghahabol. Para may thrill. 

 Pero si kat? 

sarap lang kasi niya pagtripan. Napipikon tapos pag nilambing mo malambing din sayo, parang ang sarap niya mag mahal., Alam ko di ako yung tamang lalaki para sakanya kaya lalayo nadin ako asap.

Kung tutuusin nga mas maganda nga si kaye, pero mas una ko napansin si kat. Ang mysterious kasi ng dating ni kat para sakin parang ang dami niyang gustong patunayan sa sarili niya pero di niya malabas kasi nga nahihiya siguro siya.

Nagulat nga ako nung bigla siyang pumayag sa challange ko eh. Ano kaya pumasok sa isipan non bakit pumayag siya sa challange ko? Nag jojoke lang naman kasi ako nung una tinitignan ko kung papayag siya, pero yon pumayag siya. kaya na challange din ako. 

Tignan nalang natin kung ano ang mangyayari samin.. 

~

After 30 mins..

-phone beeps-

"Hi vince. Nakauwi ka na? Reply please!!" -kat

Nag text nadin! Ayan isa sa gusto ko kay kat eh kahit na alam niya na joke lang to relasyon namin nag cacare padin. 

"oo baby. kumain ka na?" 

Message sent. 

"yes baby nung pagkapasok ko agad sa bahay kumain na agad ako. ikaw? :)" -kat

Ang bilis magreply ah wala pang 10 secs hahahaha! kakapanibago may baby pa. di ko talaga mabasa tong si kat. napaka mysterious talaga.

Wag kaya ako magreply tignan natin kung tatadtadin ako ng text. 

Di na ako nagreply naglaro nalang ako ng nba 2k13 dito. 

Di ko namalayan 2 am na pala ng madaling araw puta kakatapos ko lang maglaro. Di ko naman talaga intensyon na hindi itext si kat titignan ko lang kung tatadtadin ako pero hindi walang text. Ano kaya ginagawa non. 

"hoy. Gising ka pa?"

Nag beep agad yung phone ko. gising pa siya! Ano kaya ginagawa nito bakit madaling araw na matulog. Pwede naman niya akong tulugan nalang. Baka nagaantay siguro ng text ko lol kidding. 

"oo pero ang tagal mo talaga magreply forever. kainis! Tulog na ako goodnight na" -kat

Isa pa to sa ugali ni kat na gusto ko. nachachallange ako sa pagiging hard to get niya. kahit naapektuhan na siya pinapakita niya padin na hard to get siya di siya madaling maloko. 

"tsk ge. goodnight." 

Message sent.

3:00 am  na mulat na mulat padin ako. Tangina di talaga ako makatulog.

Kinuha ko ulit yung cellphone ko para itext si kat. Wala ako magawa e. Nabobored ako pag gusto ko kasi tumawa ppagtritripan ko lang si kat. Natatawa kasi ako sa mga sinasabi niya lalo na sa mga facial expression niya. nakaka good vibes. 

"tama na nga kakaisip sakin. Di ako makatulog oh!" text ko sakanya. 

Walang reply. Tulog na talaga to siguro! 

After 10 mins nag ring yung phone ko. kala ko ba matutulog na to! yari talaga sakin to!

Pero..

Nung pagkatingin ko sa cellphone ko. 

nicole's calling.... 

Gising pa nga siya.  

Si nicole.. 

"o bakit?" 

"papunta na ako diyan" kinuha ko agad yung susi ng kotse ko at pinuntahan ko na agad siya.

Minsanan lang mag ka pov si vince sulitin na! matagal tagal pa ulit bago to mangyari hahahahahaha who the hell is nicole at bakit sobrang nag woworried si vince? Hahahaha sounds exciting! let's wait for the next chapters, babies! <3

Bawal mainlove nakakamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon