1 ~ Punisher

405K 7.9K 584
                                    

CHAPTER ONE

KANINA niya pa gustong tumalon-talon at tumili ng tumili habang pinapanood si Cassidy na nakikipag karera ng sasakyan sa Racing Field ng Race Inc. kaya lang pinipigil niya ang sarili niya para hindi masyadong halata ang paghanga niya sa binata though alam ito ng ilan sa mga kaibigan nila.

Next week kasi ay lilipad na sila papuntang Amerika para doon mag-aral ulit kaya naman naisipan ng mga kaibigan slash kababata niya na mag car race kahit sa huling pagkakataon na pananatili nila sa Pinas dahil kapag nakaalis na sila ng bansa siguradong aral talaga ang aatupagin nila.

"Bakit kasi kailangan pa natin mag-aral ulit?" Inis na tanong niya kay Saleen na kanina pa tili ng tili dahil nangangarera din ang future husband daw nitong si Von Ether. "Bakit sa ibang bansa pa?"

"Of course we need to study abroad para naman madagdagan ang mga ilalagay natin sa resume natin once na naisipan natin mag apply ng trabaho." Umupo si Saleen sa sarili nitong upuan at sinenyasan ang P.A nito palapit sa gawi nila.

"Yes senorita?"

"Gusto ko ng strawberry shake."

"Okey po." Iyon lang at tumalima na ang personal assistant ng kaibigan niya.

"Hindi ko naman kailangan ng resume kapag nagtrabaho na ako sa Hospital namin dahil sabi ni daddy sa akin niya ipapamana iyon kapag kaya ko na."

Pag-aari kasi nila ang isa sa sikat na Hospital sa bansa, ang SDL Hospital. SDL is the initial name of her father, Dr. Steven Drew Lucas.

"Kayo na ang may Hospital."

"May Hospital naman talaga kami. Pinaghirapan ni daddy iyon kaya dapat kapag ipapamana niya na sa akin dapat mapatakbo ko ng maayos iyon."

"Yeah, para mapatakbo mo iyon ng maayos dapat mag-aral ka na din sa ibang bansa."

"Ayoko nga kasi hindi ko na—"

"Ayaw mo? Bahala ka, maiiwan ka dito dahil lahat kami pupunta doon."

"Hindi ko na makikita si Cassidy kapag umalis ako ng bansa." That's her number one reason, ang babaw but hell she always wants to see that man.

Naiinis na tinignan siya ni Saleen at inirapan pa siya. "Paanong hindi? Ang sabi ng daddy ko kasama natin si Cassidy na aalis, si Charlton lang ang maiiwan dahil baby pa siya."

"Ibig sabihin mag-aaral din sa ibang bansa si Cassidy?" Manghang tanong niya at napasulyap sa mga magagarang sasakyan na nasa Race Field.

"Yes, he needs to study Abroad dahil alam naman natin na siya ang tagapagmana ng negosyo nila."

"Okey, I'll tell to my parents na payag na ako mag-aral sa ibang bansa." Nakakaloka na nginisian niya si Saleen na kinunutan lang siya ng noo. "Masosolo ko na si baby Cassidy ko!"

"Eww!"

"Ang arte mo! Ikaw din naman gusto mong masolo si Ether, di ba?"

"Aeon won't let me do that. Ang kj kasi ng kambal ko na iyon." Humalukipkip pa ito.

"Obvious ka naman kasi masyado."

"Normal lang naman na magkagusto ako kay Von Ether ang hindi normal do'n ay kapag hindi siya nagkagusto sa'kin. Sa ganda kong ito? Like duh?"

Umawang ang labi niya ng may negatibong bagay ang pumasok sa isip niya. "Hindi kaya..." Sinadya niyang bitinin ang sasabihin niya ng ilapag ng P.A ni Saleen ang strawberry shake sa round table sa tapat nito bago muling umalis.

"What?"

"Hindi kaya... Bading si Von Ether?"

Singbilis ng pagbagsak ng falling star ang malakas na pag-ubo ni Saleen hanggang sa nagsunud-sunod na iyon at tuluyan ng mabulunan dahil sa sinabi niya kaya agad lumapit dito ang personal assistant nito at hinaplos haplos ang likod nito.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon