CHAPTER EIGHT
ISINIKSIK niya pa lalo ang sarili niya sa katawan ni Cassidy ng magising siya. Nakaunan siya sa dibdib nito habang ang isang kamay naman nito ay nakayapos sa kanya. She always wish to woke up like this—'yung kasama ang lalaking mahal niya at talagang pinaglaruan siya ng tadhana ngayon dahil nagising siya katabi at kayakap si Cassidy na para bang nagmamahalan sila.
Ilan minuto niya munang dinama ang posisyon nilang iyon bago siya nagpasyang titigan na lang ang natutulog na lalaki. Bahagya niyang idinistansya ang katawan dito at humiga ng paharap dito upang matignan ito ng maayos.
"Cassidy..." She said whispering while staring at him. "Cass..."
Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan nito sa isip niya na para bang kinakabisado niya iyon. Na para bang makakalimutan niya iyon anomang oras.
"Hmn..." He groan but his eyes were still close. He move closer, his hand wrap her waist and then continue his sleep.
Lahat silang magkakaibigan ay sanay na sanay makakita ng gwapo at magaganda dahil kahit saan sila lumingon ay napapalibutan sila ng mga iyon. Sila-sila lang din naman kasi ang tinutukoy niya. Hindi naman sa pagmamayabang. Magaganda at gwapo silang magkababata.
Maninipis at pinkish ang labi ni Cassidy na sigurado siyang marami ng nahalikan pero wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na malaman na isa siya sa nahalikan nito... Isn't just a torrid kiss, its more than just a kiss. It is something she would treasure till the end.
Ang matangos nitong ilong, ang perpektong hulma ng jawline nito at ang gulu-gulo nitong buhok na may iilang hibla na tumabing sa mukha nito ang mas nagpapadagdag ng angking kakisigan ng binata. Daig pa nito ang iilan sa Hollywood actor na napapanood niya sa movies.
Cassidy, can we stay like this? Can I have you? All of you. She said to herself.
Pwede bang ganito na lang sila?
Pwede ko bang sabihin sa sarili ko na akin ka? Na mahal mo din ako? Pwede ko bang ipagsigawan na mahal kita? Na handa akong ibigay lahat para lang sayo... Para lang mapansin mo.
Kusang tumulo ang iilang butil ng luha sa mata niya sa ideyang hindi siya mapansin-pansin ng binata. Hindi niya alam kung bakit para siyang nagmamakaawa sa kung sinoman na sana marealize din ni Cassidy na mahal niya ito. Pero paano?
"Why are you crying?" Napakurap-kurap siya at kinusot-kusot ang mata niya ng magising si Cassidy at tanungin siya. "Why, Stella Venisse?"
"H-ha?"
"Don't tell me nagsisisi ka sa ginawa natin? Hindi ka ba nasarapan?" Umayos ito ng higa. "We can do it again to satisfy you just tell me." Nilingon siya nito ng hindi siya magsalita. "Bakit parang nalunok mo 'yang dila mo?"
"Cassidy, paano kung—"
"Ugh! I don't like responsibilities. Huwag mo akong umpisahan, Stella."
"Pero—"
"But what?"
Napayuko siya at hindi makaya na salubungin ang mga tingin nito. Mas gusto niya ang aura nito kanina habang natutulog ng payapa. Hindi katulad ngayon, parang bumalik ang Cassidy na kilala niya. Rude and snob.
"Hindi ba kapag may nangyari sa dalawang tao malaki ang possibilities na magkaroon ng baby?"
"Yes."
Muli ay nag-angat siya ng tingin dito. Nakatitig ito sa kanya ngunit hindi niya kayang basahin ang emosyon nito.
"What if I get pregnant?" Iyon ang tanong na bumabagabag sa kanya ngayon.
"Bakit ganyan kayong mga babae? Pagkatapos niyong makipagsex iniisip niyo na may hold na kayo sa aming mga lalaki. Hindi ba pwedeng manatiling pagtatalik na lang iyon? Besides, pareho naman tayong nasarapan sa ginawa natin." May bahid na iritasyon sa boses nito. Hinila niya ang kumot at ipinangtakip sa hubad niyang katawan bago umupo. "Oh well, if ever na may nabuo let me know, I will support you and the baby."
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...