EPILOGUE
"SAAN mo ba kasi ako dadalhin, anak?" Tanong niya kay Madeleine na hawak-hawak siya sa kamay palabas ng bahay nila.
Pinagbihis at pinag-make up pa siya nito, akala niya naman trip lang nitong panoorin siya maglagay ng kolorete sa mukha at magsuot ng dress. Ito nga din ang pumili sa silver stilleto na suot niya.
"Basta po."
"Anong basta?"
Huminto ito mula sa paglalakad kaya napahinto din siya. Tiningala siya nito bago bumuntong hininga na nakapagpataas ng kilay niya. Ayos din talaga itong anak niya ano?
"May pupuntahan po kasi tayo mommy. Sumunod ka na lang po sa akin, okey?"
"Saan nga po tayo pupunta?"
"Its a secret place and I have a surprise for you."
"Really? You have a surprise for me?"
"Like what I said, yes po." Madeleine nods her head. "Shall we go?"
She shrugged her shoulder. "Okey, let's go ng matapos na ito."
Napamaang siya ng may humintong kulay puting sasakyan sa tapat ng gate nila. Hindi siya pamilyar sa sasakyan hanggang sa bumaba ang bintana ng driver's seat and a very familiar man with tattoos on his shoulder up to the side of his neck motion them to get in.
"Papa Mazda!" Tili ni Madeleine ng mapagsino ang tsuper. "Ang tagal po kasi ni mommy mag walk kaya po naghintay ka sa amin."
Ibinaba muna ni Mazda ang black sunglasses nito hanggang ilong at ngumiti sa anak niya. "Nah, it's okey dear. Get in."
Hanggang sa umaandar na ang sasakyan nila ay hindi pa din siya nagsalita. Hindi naman sa wala siyang sasabihin, its just that she can't utter any single words. Ano ba ang sasabihin niya?
"Mommy, bakit po hindi ka nagsasalita?" Untag sa kanya ni Madeleine na nakaupo sa backseat. Siya naman ay nakaupo sa passenger seat.
Tumikhim muna siya at sinulyapan ito mula sa rearview mirror. "I am just wondering kung saan tayo dadalhin ni Mazda."
"Sa secret place nga po."
"Anak kasi, ahm," Tumingin siya kay Mazda. Nag-aalangan siya kung sasabihin niya pa sa anak niya na inaya siyang lumabas ni Cassidy ngayon gabi.
"Ahm?"
"Nag-usap na kasi kami ng daddy mo kanina. He will going to visit us tonight, kaya lang..." Muli ay sinulyapan niya si Madeleine. "Wala tayo sa bahay, naiwan ko pa ang cellphone ko. Paano na 'yan?"
"Don't worry mom, ako ang bahala kay daddy."
"No anak, ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya kung sakaling hindi niya tayo maabutan sa bahay." Tinignan niya si Mazda. "Malayo pa ba tayo?"
"Malayo pa tayo mommy, you can take a nap if you want." Nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi ni Mazda ng si Madeleine ang sumagot sa tanong niya. "Huwag mo po kausapin si Papa Mazda para po makapag focus siya sa pagdadrive." Napailing-iling na lang siya at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan.
MUNTIK na siyang mahulog sa kinauupuan niya ng mapabalikwas mula sa pagkakatulog, mabuti na lang at naka seatbelt siya. Marahan na kinusot niya ang mga mata at nagsalubong ang kilay niya ng mapagtantong siya na lang mag-isa ang nasa sasakyan.
"Madeleine!" Tawag niya sa anak at nagmamadaling lumabas. Madilim na. Hindi din siya pamilyar sa lugar kung nasaan siya pero isa lang ang alam niya, malapit siya sa dagat dahil nnaririnig niya mula roon ang hampas ng alon. "Nasaan ka? Nasaan kayo ni Mazda?"
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...