22 ~ Ring

289K 6.7K 314
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

"EXCITED na po ako magpunta sa beach, mommy. Matagal pa po ba tayo makakarating do'n?" Inilagay niya muna sa loob ng bag niya ang cellphone bago niya sinagot ang tanong ni Madeleine.

"Mga isang oras na lang ang byahe anak."

Umayos ito ng upo mula sa backseat at bumaling kay Cassidy na siyang nagmamaneho papunta sa Beach na pupuntahan nila to celebrate Madeleine's birthday. Ayaw ng anak niya ng madaming bisita dahil ang gusto nito ay silang tatlo lang ang mag celebrate muna, ibig sabihin may second celebration pa ang birthday ng anak. Sinunod na lang nila ang gusto nito tutal gusto niya din naman makapag unwind.

"Daddy..."

"Sweetheart?" Sinulyapan lang ni Cassidy ang anak mula sa rearview mirror.

"Nadala mo po ba?"

"Yes." And wink at Madeleine making her daughter giggled in excitement.

Siya naman ay hindi makarelate sa pinag-usapan ng dalawa pero hindi na siya nakialam pa at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Ilan linggo niya na bang hindi kinikibo si Cassidy? Hindi niya na mabilang. Nananatiling civil ang pakikitungo niya dito kapag kaharap ang anak nila.

"Aren't you hungry? Hindi ka nag breakfast, di ba?" Alam niyang siya ang kinakausap ng lalaki.

"I'm okey, Cassidy."

"Pwede tayong mag stop over muna para makakain ka."

"I said I'm okey."

"I am hungry." Binalingan niya ito. Nakafocus lang ang atensyon nito sa pagdadrive. He's wearing his black sunglasses now making him looks like a famous actor whom hiding his face from fans and paparazzi. Darn this man for being gorgeous! "I want to eat—"

"Then eat."

"With you..." Natahimik siya. "And Madeleine."

"Opo dad, kumain na po tayo kasi po I'm hungry na."

"Anak, next time sasabihin mo kay mommy kapag gusto mong kumain, okey?"

"Kasi po ikaw ang iniisip ko."

"Ako? Bakit?" Nagtatakang tanong niya kay Madeleine.

"Because you don't like to eat with daddy, but I want to eat with him, and with you." Mahina siyang bumuntong hininga. Kahit ba si Madeleine ay napapansin na ang kaaayawan niya kay Cassidy? "I thought you two were okay, why do you need to hate daddy?"

"Anak," She whispered.

"Madeleine, sweetheart." Its Cassidy. "Okey kami ng mommy mo, hindi lang maganda ang gising niya kanina kaya hindi niya ako pinapansin." Alam niyang nagpapalusot lang ito.

"Lagi po bang hindi maganda ang gising ni mommy kapag magkikita kayo?" Nakita niya ang bahagyang pag-ngiwi ni Cassidy sa walang muang na tanong na iyon ng anak nila.

"Nagkakataon lang siguro, anak." Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya at bahagyang pinisil iyon, hindi siya nakapagreact agad. "Don't worry sweetheart tatanggalin ni daddy mamaya ang inis ng mommy mo." Tila ba may ibang ibig sabihin ang sinabi nitong iyon.

"Paano mo po tatanggalin daddy?"

"That's a secret." At muli na namang pinisil nito ang kamay niya pero this time iba na ang dating sa kanya ng pisil na iyon, nakakakiliti at nakakapang-init kaya pasimple niyang inalis ang pagkakadaupang palad nila ngunit hindi siya pinagbigyan ni Cassidy. "Please cooperate, baby." He whispered enough for Madeleine not to hear what he had said.









NAPAPIKIT siya ng dumampi sa katawan at mukha niya ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik lang siyang nakaupo sa upuang kahoy habang pinagmamasdan ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang kislap ng bituin sa langit.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon