20 ~ Wedding

303K 7K 374
                                    

CHAPTER TWENTY

"HINDI ako nagbibiro, Cassidy! Alam kong alam mo na seryoso si Madeleine sa wish niyang kasal pero bakit pinatulan mo? Bakit um-oo ka?" Gusto niya ng sakalin ang lalaki sa harap niya sa sobrang inis. Kakauwi lang nila galing Mall at ang anak naman nila ay mahimbing ng natutulog sa kwarto nilang mag-ina.

Namulsa ito at nanatiling nasa swimming pool ang tingin. Nasa likod kasi sila ng bahay nila upang hindi marinig ng magulang niya kung paano sila magtalo ni Cassidy.

"Akala ko ba mahal mo ang anak natin at—"

"Oo mahal ko si Madeleine, hindi mo kailangan pagdudahan 'yung pagmamahal ko sa kanya. You know what's my point here? Pinaasa mo na naman siya na tutuparin mo 'yung wish niyang kasal." Napahilot siya sa sintido. "Kahit alam natin pareho na imposible 'yon."

"Sinong nagsabi sa iyo na imposible ang kasal na hinihiling ng anak natin?"

Galit na nag-angat siya ng tingin dito. "Are you freaking serious about that marriage?"

"Yes, ikaw lang naman ang may ayaw." Hinarap siya nito at sinalubong ang mga mata niya. "Gagawin ko ang lahat para kay Madeleine, alam kong gano'n din 'yung gagawin mo, Stella. Bakit hindi na lang tayo magpakasal?" Akmang hahaplusin nito ang pisngi niya ng umiwas siya.

"Magpakasal?" Mapakla siyang tumawa at dumistansya dito. "Akala mo gano'n lang kadali iyon?"

"I know it wasn't easy pero wala tayong choice, meron ba?"

Meron nga ba? Bakit ba kasi kasal pa ang naisipan i-wish ng anak niya sa birthday nito?

Anak naman, masyado mong pinapahirapan si mommy dahil diyan sa birthday wish na iyan. Ang dami-dami mong pwedeng hilingin, bakit kasal pa? Kasal pa talaga?

"Wala. Wala tayong choice. Hindi ko kayang paasahin 'yung anak ko sa wala lalo at um-oo ka na sa kanya kanina. Siguradong mamaya't-mamayain ako niyon sa pagtatanong about wedding." She tsked. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito."

"Because we don't have choice. Marry me, that's the best thing we can do for Madeleine's birthday. Gusto kong maging masaya ang anak ko, gusto ko masaya siya lagi."

Paano naman ako? Paano naman 'yung happiness ko Cassidy?

Ipiniling niya ang ulo ng sumulpot sa utak niya ang mga tanong na iyon. Kasi mas mahalaga ang happiness ng anak niya kaysa sa kasiyahan niya.

"Umuwi ka na, let's talk about this some other time. Gusto ko ng magpahinga." Tinalikuran niya ito at akmang maglalakad na siya ng mapahinto dahil nagsalita ito.

"I'm sorry." Puno ng sinseridad sa boses nito. "Alam kong hindi sapat 'yung paghingi ko ng sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo, actually hindi na ako umaasa na papatawarin mo pa ako pero gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko na lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa iyo." Tumaas lang ang isang kilay niya. "Sabihin mo lang kung ano ang gagawin ko para kahit papano mabawasan 'yung galit na nararamdaman mo para sa'kin." Pinanatili niya ang pagiging bato niya at nagpatuloy na sa paglalakad ng hindi man lang ito nilingon.

Minsan masarap din pala 'yung umasta na manhid at wala kang pakialam. Kaysa iparamdam sa kanya na apektado ka pa.





"I MISSED you so much baby girl!" Tili ni Saleen at sinalubong ng yakap si Madeleine. Binisita kasi nila ang kaibigan niya sa condo unit nito. May mga pagkakataon kasi talaga na hindi lumalabas si Saleen para maiwasan na din ang mapagkaguluhan ng mga tao.

"I miss you too, Tita Ganda."

"Talaga ba?"

"Opo." Tumango-tango ang anak ng kumalas sa yakap ni Saleen sabay tinitigan ito. "You're so pretty."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon