CHAPTER FIVE
KANINA pa siya gising pero hindi niya maimulat ang mga mata dahil pakiramdam niya namamaga ang mga iyon. At ang isa pang pumipigil sa kanya na huwag dumilat ay ang pananakit ng ulo niya. Nasapo niya iyon at inis na sinambunutan ang sarili ngunit tumigil din ng lalo niyang maramdaman ang sakit.
"Mommy!!! Daddy!!!" Isinigaw niya na lang ang dalawang salitang iyon na animo iyon ang makakapawi ng sakit ng ulo niya. "Mommy!!! Daddy!!!"
Wala namang ibang makakarinig sa kanya kaya walang mag-iisip na nababaliw na siya dahil tinatawag niya ang magulang na nasa Pinas. Ilang minuto ang pinalipas niya bago tuluyang imulat ang mata para lamang mapanganga ng malaman na nasa ibang kwarto siya.
"Anong nang—oh my God!" Bulalas niya ng pagtingin niya sa sarili niya ay wala siyang kahit na anong saplot sa katawan maliban na lang sa dark blue na makapal na kumot na nagtatakip sa kahubaran niya. Napatingin siya sa table ng bed ng tumunog ang cellphone niya.
Baby Calling...
Imbes na sagutin ay pinatay niya iyon at nagpaka busy upang isipin kung ano ba talaga ang nangyari sa nakalipas na gabi o may nangyari ba? At kaninong kwarto itong tinulugan niya? Inamoy niya ang kumot na nakapalupot sa kanya at mariin na napapikit ng makilala ang pamilyar na amoy na iyon.
"Cassidy..." Pero wala na talaga siyang maalala pang iba pwera na lang ng magpakalasing sila ni Saleen kagabi, hanggang doon lang ang naaalala niya.
Muling tumunog ang iPhone niya pero this time text message na iyon. Kinuha niya ang cellphone upang basahin ang mensahe ng binata.
Are you awake?
Yes. She replied.
Hangover?
Yes. Where are you?
Anything you want to eat? Instead, he asks that question.
Ice cream?
Hindi na ito nagreply kaya ibinalik niya na lang ang iPhone sa mesa at muling nahiga sa kama ni Cassidy ng may katanungan sa isip niya lalo at nakakaramdam siya ng kakaiba sa sensitibong parte ng katawan niya at may mga kissmark din siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo sa dibdib niya.
Napaigtad siya ng wala pang ilan minuto na nakapikit siya nang biglang bumukas ang pinto. Nagmulat siya ng mata at dahan-dahan na umupo, yakap-yakap ang kumot.
May inilapag na paper bag sa mesa si Cassidy at walang sabi-sabi na sumampa sa kama at dampian ng matagal na halik ang labi niya sabay pasok ng isang kamay sa ilalim ng kumot until his hand reach her breasts and gently massage it that gives an electrifying sensation to her na para bang sanay na ang katawan niya sa sensasyon na iyon.
"Ahh, may hangover ka pa talaga." Anito ng ilayo ang labi sa kanya dahil hindi naman siya nag response sa halik na iyon.
Una, nabigla siya, talagang nabigla siya. Pangalawa, masarap sa pakiramdam. Pangatlo, kinukuliglig na siya ng utak niya kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa?
"C-Cassidy—"
"Eat and don't ask me." Ibinigay nito sa kanya ang nasa tasang ice cream at umupo sa tabi niya. Nang hindi siya kumilos ay ito na mismo ang nagsubo sa kanya. "Eat."
Nakatitig pa din siya sa gwapong mukha nito habang ninanamnam sa bibig niya ang lamig ng ice cream at ang cheese flavor no'n.
"How did you know that I like cheese flavor of ice cream?"
"Every time I saw you eating an ice cream laging cheese flavor o may kinalaman sa cheese ang kinakain mo so I assume na gusto mo talaga ang flavor na 'to." At muli siyang sinubuan.
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...