25 ~ Story to Tell

244K 6.4K 120
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

"DRA. VENISSE." Tawag sa kanya ng isa sa palagay niya ay organizer ng seminar na pupuntahan niya kinabukasan. Huminto siya mula sa paglalakad at hinarap ang babae. Si Cassidy naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya.

"Yes?"

"Ahm, may kaunting nabago po kasi sa seminar bukas."

"Oh—okey." She shrugged her shoulder.

"Can we ask for a favor?"

"Yes, anything."

"Thank you Dra." The woman paused for a seconds and smile at her. "Pwede po bang isa kayo sa mag share ng mga experience niyo sa buhay kung bakit at paano niyo po naabot ang pangarap niyong maging isang Doctor?"

After hearing what the organizer said, her eyes automatically went to Cassidy who's standing beside her. Actually, nagdadalawang isip siya. Alam niya kasi sa sarili niyang hindi gano'n kaganda ang pinagdaanan niya bago niya narating kung anoman siya ngayon pero naisip niya din na wala naman siyang dapat ikahiya sa mga nangyari kanya noon.

"Sure. No problem." Tila nakahinga ng maluwag ang kausap niya sa pagpayag niya.

"Thank you so much Dra. See you tomorrow."

"See you." Iyon lang at magalang na itong umalis sa harap nila.

"I will be in the seminar." Cassidy said as they enter to elevator.

"You don't have to do that."

"I want to watch and listen to you."

"You won't like it, Cassidy." She smirk.

"I don't care. Basta, sasamahan kita."

"Kailan ka nga ba sumunod sa akin?" May sarkasmo sa tinig niya. "You always have the rights to boss yourself and to boss the people around you."

"Stella Venisse..."

"Magpunta ka kung gusto mo." Naiinis na sabi niya. Goodvibes lang sila kanina habang kumakain sa floating cottage pero ngayon pinapainit na naman ng lalaking ito ang ulo niya. "Hindi na kita pipigilan, hindi ka din naman sumusunod."

"Ayoko lang mawala ka sa paningin ko." Seryoso ang boses nito pero hindi iyon ang nagpakabog ng dibdib niya kundi ang sinabi nito. "Look, sigurado akong magpupunta lahat ng sikat na Doktor sa seminar niyo bukas at ayokong magkagusto sila sa iyo. I don't let that happen." Ngali-ngali na lumabas siya sa elevator ng tumunog iyon at lumapag sa floor nila. "Stella Venisse!" Tawag nito dahil iniwan niya talaga ito at binilisan ang paglalakad.

Hindi na siya dapat pang makarinig ng mga salitang nagpapalakas ng tibok ng puso niya. Iiwasan niya muna ang lalaki at papakalmahin ang dibdib niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya sabay sara ng pinto at sumandal siya doon. "Come'on! Magtigil ka Stella, papaasahin ka na naman niya. Masasaktan ka na naman kapag ipinagpatuloy mo itong ginagawa mo. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya sa iyo, sinungaling siya." Sita niya sa sarili at napapikit ng marinig ang boses ni Cassidy sa labas.

"Stella! Stella!"

"Shit naman." She whispered.

"Stella Venisse! Huwag ka ng magalit oh. Gusto lang naman kitang bantayan." Umiling-iling siya kahit hindi naman siya nito nakikita. "Kailangan mo ako do'n."

"No, I don't need you there."

"I will be your photographer and videographer."

"I don't need that. Madami niyan bukas, may mga press pa nga."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon