CHAPTER TWENTY THREE
NILAPITAN niya ang ama na nagpapahangin sa likod bahay nila ng makita niya ito. Maayos na ang lagay ng daddy niya pero batid niyang kailangan pa talaga nitong magpahinga para mabawi lahat ng lakas na nawala dito.
"Dad?" Humalik siya sa pisngi nito. "May sasabihin daw po kayo?"
"Yes, maupo ka muna." He motion her to seatdown. "Stella Venisse,"
"Po?"
"Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa sa iyo, anak. Alam kong madami ka ding iniisip pero kailangan ka na talaga sa Hospital natin."
"Anytime dad." Expected niya naman na kasi iyon kaya hindi na siya nabigla at ayaw niya na din mapagod pa ang daddy niya kakatrabaho. "Sabihin niyo lang po kung kailan ako mag-uumpisa, ayoko na din naman po na makita kayong masyadong napapagod sa trabaho kung pwede naman po na ako na lang ang pumalit sa posisyon niyo." Napansin niya ang pagsilay ng maliit na ngiti mula sa ama.
"Iba ka na talaga mag-isip anak. Hindi ka na 'yung batang Stella Venisse noon na palagi lang nakasandal sa amin ng mommy mo." Tinignan siya nito kaya nginitian niya ito. Sa mga mata niya ang daddy pa din niya pala ang pinaka gwapong lalaki na nakita niya bukod pa sa lalaking laman ng puso niya.
"May anak na kasi ako dad kaya po siguro nag mature na din ako mag-isip. Isa pa madami na din po akong pinagdaanan sa buhay ng hindi ako umaasa sa tulong niyo ni mommy. Minsan maganda din po pala na sanayin mo 'yung sarili mo na wala kang inaasahan para matuto po tayong mag pursige sa buhay."
"I agree with that but not because you can stand with your own now it doesn't mean na hindi mo na kami pwedeng asahan ng mommy mo sa mga bagay-bagay."
"I know dad pero ayoko po kasi na bigyan pa kayo ng isipin ni mommy. Kaya ko na po ang sarili ko."
"Are you sure?"
"Ahm,"
"Hindi naman kami bulag ng mommy mo. Alam namin ang nangyayari sa inyo ni Cassidy."
"Dad,"
"I don't like what he did to you." Natahimik siya ng makita niyang nawalan ng emosyon ang mukha ng ama. "Pero nakalipas na 'yon anak, nasaktan ka na niya. Kahit ayoko siya para sa iyo, may magagawa pa ba ako? Lalo na nakikita ko na halos ayaw ng humiwalay sa kanya ni Madeleine." Malalim itong bumuntong hininga. "Ayokong makialam sa inyo pero sana maging masaya ka sa mga desisyon na gagawin mo."
"Thank you dad." Lumapit siya dito at yumakap. "Sa ngayon po nahihirapan pa talaga akong patawarin siya pero para sa anak namin handa naman po akong pakisamahan siya basta makita ko lang na masaya si Madeleine."
"Ganyan talaga anak, kailangan mong mag sakripisyo para sa mga taong mahal mo."
Kumalas siya ng yakap dito at saka ngumiti. "Sobrang mahal ko po kasi si Madeleine, wala po yata akong hindi kayang gawin para lang sa kanya."
"Mommy! Mommy! Granddaddy! Granddaddy!" Sabay nilang nilingon ang matinis na boses na iyon ng anak niya. Tumatakbo ito palapit sa kanila.
"Baby you don't need to run."
"Mommy kasi..." Hinihingal pa ito kaya kinarga niya. "Si daddy naghihintay na po sa atin." Bumaling ito sa ama niya. "Hello granddaddy!" At kumaway-kaway. "Handsome po kayo today." Isang lagatok na tawa lang ang naisukli ng ama bago ginulo ang buhok ng anak niya. "Ah, not my hair po granddaddy." Reklamo nito at inayos-ayos ang buhok.
"Sige na, umalis na kayo."
"Dad, pinapaalis mo na kami?"
"As much as I would like you and Madeleine to stay here hindi pwede. May bagay kang kailangan ayusin lalo na ang pamilya mo." Tumango lang siya sa daddy niya.
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...