27 ~ Sign

284K 6.2K 546
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

"I WANT to get drunk tonight." Troy lifted his eyebrows as he looks at her. "And get wasted."

"Woman, you don't know what you are saying."

"Come'on Troy, huwag kang kj diyan." Hinila niya ang kamay nito papasok sa Resto Bar na nadaanan nila. "Huwag puro trabaho. Let's enjoy our stay here."

"Okey fine, I'll go with you but I won't promise you na sasabayan kita sa gusto mong mangyari."

"Whatever." Pinaikot niya ang mata at naghanap na ng mapupwestuhan.

"I think this is not a good idea."

"I just want to drink, its been a long time ng huli akong uminom at mag-party. Am I asking for too much?"

"No, no, Venisse." Umiling-iling ito. "You can drink, yes, but don't get drunk."

"I can handle."

"Really?"

"Yes."

"Okey, let me ask you a question."

"Yes sure." Sinimsim niya ang wine na ibinigay ng bartender sa kanya. Sa hightool chair sila nakaupo ni Troy, sa mismong counter ng bar.

"What happened to you the last time you get drunk?" Mariim niya munang ipinikit ang mga mata upang alalahanin kung ano nga ba ang nangyari sa kanya ng huling beses siyang nagpakalasing. Ano nga ba? "Hey,"

Tahimik na inilapag niya ang glass at tumingin kay Troy ng maalala ang nangyari sa kanya.

"I get pregnant." She said, whispering.

"Okey drink and get drunk if you want to get pregnant again."

"No!" Di napigilan ang pagtaas ng boses niya na ikinatawa ng doctor. "One to two glass is enough then I'll go home."

"You don't want to get pregnant?" He teased.

"No, not yet." Pinaglaruan niya ang alak sa baso. "Mahirap, eh. Madali gumawa pero mahirap magpalaki lalo at mag-isa ka lang." Mapakla siyang tumawa. "Tapos makakarinig ka pa ng masakit na salita mula sa kanya. Hindi talaga siya nag-iisip."

"Oh, that man again."

"Pasensya ka na Troy, ha. Wala kasi akong mahingian ng sama ng loob ngayon. Nasaktan lang ako sa sinabi niya."

"I won't tell you na Don't Mind Him because I know you can't. I will just tell that, I am here, willing to listen just for you." Inangat nito ang beer na hawak at siya naman ay inangat ang wine glass niya. "Cheers."

"Cheers."

"Oh-oh..." Napatingin siya kay Troy ng sumipol pa ito.

"What?"

"Look who's there." Umangat ng mataas ang kilay niya kasabay ng pagtusok ng matalim na bagay sa dibdib niya ng makita si Cassidy na papasok pa lang sa entrance at may nakayapos sa bewang nito na isang sexy na babae, habang ito naman ay nakaakbay sa babae. Mabilis na inalis niya ang tingin doon at nagpanggap na hindi apektado. "You okey?"

"Yes,"

"Sure?"

"Oo naman, sanay na ako na makita siyang may kasamang iba. Sa tagal ng panahon na kilala ko siya, sinanay ko na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon." Hindi na nga siguro kami magkakaayos. Hindi na nga siguro namin mabibigyan ng kumpletong pamilya si Madeleine. Isang mapait na ngiti lang ang naisagot niya sa naisip bago inubos ang laman ng baso niya at muling nanghingi sa bartender. "I want Tequila this time."

"Okay Madam." The bartender, said.

"Hindi naman sagot ang alak, Venisse."

"At ano ang sagot, Dr. Troy?"

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon