2 ~ Freaking Billionaire

285K 6.9K 567
                                    

CHAPTER TWO

TUMAMA sa mukha niya ang nakatuping damit na hinagis sa kanya ni Cassidy ng makapasok sila opisina nito sa Race Inc. Isinawalang bahala niya na lang iyon dahil lamig na lamig na siya tapos sobrang lakas pa ng air con doon kaya talagang nanginginig siya.

"You can use the other bathroom located in my kitchen."

"Wala akong underwear."

"Hindi ko na kasalanan iyon."

"Kasalanan mo!"

"Huwag ka ng mag underwear hindi naman ako maaakit sayo kahit wala ka no'n."

"Siguraduhin mo lang iyang sinasabi mo, Cassidy. Alam ko ang likaw ng bituka niyong mga lalaki kayo. Mahilig kayo sa sexy."

"Hindi ka naman sexy, so, hindi kita hilig."

"Aba!" Iyon na lamang ang nasabi niya dahil pumasok na ito sa nag-iisang silid ng opisina nito. "Hindi ba ako sexy?" Sinilip niya ang dibdib niya sa basang-basa niyang blouse. "Malaki naman ang boobs ko." At the age of twenty maganda na din naman ang hubog ng katawan niya mabuti nga at namana niya ang taas niya sa daddy niya. Ang mommy niya kasi ay hindi katangkaran kumpara sa mga kaibigan nito. Kinapa niya ang pang-upo niya. "Matambok din ang butt ko. Bulag talaga ang baby ko pagdating sa'kin. Di bale, kapag nag dalaga pa ako ng husto—aakitin ko siya para tuluyan na siyang mapasakamay ko." And makes an evil laugh.

Isn't she crazy?

Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya ang T-shirt ni Cassidy na hanggang hita niya tapos ay pajama. Hindi talaga siya nag underwear, tutal naman sanay siyang hindi nagsusuot ng brassier kapag natutulog medyo naiilang lang siya ngayon dahil wala siyang undies.

Nagtungo siya sa kitchen at nag timpla ng kape. Hindi niya na inabala pa si Cassidy sa silid nito dahil ang gusto niya sa mga sandaling iyon ay mapawi ang panlalamig ng katawan niya.

"He kissed me." Wala sa sariling sambit niya at hinawakan ang labi niya. "I thought he hate me pero bakit niya ako hinalikan kanina?"

"Kasi maingay ka." Napaigtad siya ng may magsalita sa likod niya. Nahihiya na ininom niya ang kapeng nasa tasa at napangiwi ng mapaso ang dila niya. "I kissed you not because I like you but because I hate you."

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pag-inom ng kape. Ang totoo, nasasaktan siya sa tuwing harap-harapan na sinasabi sa kanya ni Cassidy na hindi siya nito gusto. Nagpapanggap lang siyang hindi apektado.

Nasa grade school pa lang sila gusto niya na ang binata hanggang sa mag high school sila until now she still have feelings for him. Hindi na nga yata mawawala ang nararamdaman niya para dito kahit pa lagi siya nitong ipinagtatabuyan.

"Matutulog na ako." Aniya at itinaas ang dalawang kamay sabay nag-unat sa harap nito. Napahikab pa siya. Hindi niya na napansin na tinitignan pala siya nito. "Saan ako matutulog?"

"Aren't you wearing any undergarments?"

Pasimple niyang sinipat ang sarili niya at tahimik na niyakap ang sarili ng mapagtantong bumakat pala ang dibdib niya sa T-shirt na suot.

"Sabi mo okey lang kahit wala akong underwear dahil hindi ka naman maaakit sa'kin kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na patuyuin ang mga iyon. Isa pa inaantok na ako. Tsupi!" Hinawi niya ito upang makadaan siya. Dumeretso siya sa silid na naroon at parang pag-aari niya ang king size bed ng mahiga. Kinuha niya ang kumot at inamoy-amoy iyon. "Goodnight, baby." Nakangising bulong niya sa sarili.

Hindi niya pa man din nauubos ang mabangong amoy doon ay may humila na ng kumot na yakap niya. Magkasalubong ang mga kilay ng maaninag niya si Cassidy na nakatayo sa gilid ng kama. Dim light lang ang ilaw sa silid. Kitang-kita niya sa glass window ang galit na panahon sa labas.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon