SPECIAL CHAPTER
"TARA na daddy, bilisan na po natin bumili ng binatog para po hindi na sa iyo magalit si mommy."
"Binatog?" Ulit niya sa sinabi ni Madeleine. "What's that?"
Binitawan nito ang kamay niya at tumingala sa kanya. Nasa harap na sila ng sasakyan niya para bumili ng pagkain na hindi niya alam kung anong klaseng pagkain ba iyon.
"Corn po 'yun pero ibang corn siya. May evap po na madami ang gusto ni mommy. Gusto niya po matamis na binatog."
"So, saan tayo makakabili no'n?"
"Mayroon po sa Mall pero—"
"Okay let's go to Mall then." Pinagbuksan niya na ng pinto si Madeleine ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kanya. "What now sweetheart?"
"Hindi pa po ako tapos magsalita daddy, eh." Magkasalubong ang kilay na sagot nito.
"Oh-oh. May sasabihin ka pa?"
"Yes po." Madeleine nods. "Ayaw po ni mommy ng binatog sa Mall. Ang gusto niya po 'yung galing kay Papa Mazda."
"Do I need to make a call to ask Mazda where we can buy that binatog?"
"Yes please."
"Okey, get in." Inalalayan niya itong makasakay sa backseat at inayos ang seatbelt. Siya naman ay naupo sa driver's seat and dialed Mazda number.
"Daddy, ako na po ang mag-uusap kay Papa Mazda. Give me your cellphone." Inilahad pa nito ang maliit nitong kamay.
"Makikipag-usap, anak." Pangtatama niya sa maling tagalog ni Madeleine. Paminsan-minsan kasi ay sablay pa din ang pagtatagalog nito. "Here." At inabot ang cellphone dito.
"Hello Papa Mazda?"
"Hi there darling." Narinig niyang sagot ni Mazda sa kabilang linya. Naka loudspeaker kasi. "What can I do for you?"
"Magtatanong lang po kung saan kami makakabili ng binatog?"
"Ah, that? Hmmmm... Do you like that?"
"I like pero mas gusto ko po ang potato fries na madaming cheese, eh."
"Then why are you asking?"
"Si mommy ko po, she likes to eat binatog. Di ba po nagtitinda kayo ng binatog?" Umangat ang kilay niya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Kailan pa naging tindero ang isang Mazda Lane? "Nung isang araw po sa inyo kami bumili ni mommy kasi po nasa office niyon si daddy kaya hindi niya alam kung saan kami bibili ng binatog ngayon."
"Alright darling, if you like ipapadala ko na lang diyan ang binatog na gusto ng mommy mo."
"Much better Papa Mazda. We will wait po. Thank you. Mwa! Mwa! Mwa!" And that made him chuckled, narinig niya din ang maiksing tawa na pinakawalan ni Mazda sa kabilang linya.
"You're always welcome. Bye for now."
"Bye po." Ibinalik sa kanya ni Madeleine ang cellphone niya. "Hindi na po tayo aalis dad."
"Yeah." He unbuckle his seatbelt. "Let's just wait for the binatog."
"Opo." Lumabas siya ng sasakyan at pinalabas din ng sasakyan ang anak niya. Sabay silang pumasok ng bahay nila. Agad na hinanap ng mata niya ang asawa, natagpuan nila ito sa likod bahay kung nasaan ang swimming pool. "Mommy!" Nagmamadaling tumakbo palapit kay Stella si Madeleine.
"Nasaan ang daddy mo?" Napangiti siya ng hanapin siya nito.
"I'm here."
Stella's forehead knotted. "Where's my binatog?"
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...