CHAPTER NINETEEN
TININGALA niya ang tatlong palapag ng magarang bahay na nasa tapat nila sa mga sandaling iyon. Ilan taon din ang lumipas ng huli niyang nakita iyon kaya hindi na nakapagtataka kung magmadali man siyang pumasok doon habang hawak ang isang kamay ni Madeleine.
"Mom? Dad?" Tawag niya sa magulang ng makapasok siya. Masyadong malaki ang bahay nila para sa dalawang tao. Mas maganda siguro kung dagdagan nila ng anak ang nakatira do'n. "Mom, I'm here!"
"You don't need to shout mommy." Nagbaba siya ng tingin kay Madeleine. Nakasukbit pa sa likod nito ang kulay pink na backpack na ang laman naman ay milk bottle nito.
"Para marinig nila agad na nandito na tayo, anak. Gusto ko na silang makita at mayakap."
"There." Sinundan niya kung saan nakaturo ang hintuturo nito. "You are free to hug them now, I'll just wait here."
Nangingislap ang mata niya ng makita ang magulang na papunta sa gawi nila, galing sa likod ng bahay nila kung nasaan ang swimming pool.
"Mom! Dad!" Sinalubong niya ang mga ito at niyakap ng mahigpit. Para siyang bumalik sa pagkabata na nananabik sa kalinga ng magulang. "Miss na miss ko kayo, sobra."
"Namiss ka din namin, anak. Salamat naman at naisipan mong umuwi na." Boses iyon ng mommy niya na hinahaplos ang buhok niya like what she always did with Madeleine.
Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag alam mong nandyan lang 'yung magulang mo lagi sa tabi mo... Inaalagaan at pinapahalagahan.
"Akala ko ilan taon pa ang hihintayin namin bago ka ulit magpakita, Stella. I'm happy to see you baby. Finally, you're here."
"Masaya din akong makita kayo dad kaya nga po umuwi na ko—kami." Sabay lingon kay Madeleine na prente ng nakaupo sa mahabang sofa at ng makita siya nitong nakitingin dito ay matamis na ngumiti sa kanya. "Kami ng anak ko."
Nagtataka man ang magulang sa huli niyang sinabi nagawa pa din ng mga ito sundan kung saan siya nakatingin.
"Hello po!" Kumaway pa ang anak niya sa lolo't Lola nito. "Madeleine po ang pangalan ko, three na po ako." Itinaas pa nito ang tatlong daliri. "Malapit na po akong mag four pero nagmimilk pa din ako." Kinuha nito sa bag ang bottled milk at ipinakita sa magulang niya tapos ay humikab na ikinatawa nilang tatlo.
"She's sleepy." Naisatinig niya at tumingin sa daddy at mommy niya. Maaliwalas ang mukha ng dalawa habang nakatingin sa anak niya na dumidede na.
"Stella Venisse."
"Yes dad?"
"Anak mo ba talaga si Madeleine?"
"Dad—"
"Don't worry, anak, hindi ako galit." Ngumiti sa kanya ang ama.
"Anak ko siya dad, sa akin siya galing. Alam kong mali dahil itinago ko siya sa inyo pero wala na po kasi akong maisip na iba pang paraan para hindi po kayo ma-dissapoint sa akin at sa nangyari sa akin." Napayuko siya. "Pero hindi ko po pinagsisisihan lahat ng iyon kasi madami po akong natutunan at si Madeline..." Muli ay sinulyapan niya ang anak na mukhang antok na antok na talaga dahil ang sarap na ng sandal nito sa sofa. "Si Madeleine po ang dahilan kung bakit nalagpasan ko lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko. Siya po ang nagsilbing lakas ko nung panahon na hinang-hina na ako, nung panahon na mas pinili kong sarilihin lahat dahil ayokong bigyan kayo ng problema dito."
"Anak..."
"Dad, mom, hayaan niyo po muna akong magpaliwanag. Nakikiusap po ako."
Naiintindihan na tumango ang magulang niya kaya nagpatuloy siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/53751205-288-k946484.jpg)
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...