9 ~ Positive

262K 6K 347
                                    

CHAPTER NINE

NAGMAMADALI na tinakbo niya ang banyo sa kwarto niya at doon nagsuka at kung ano pang pagduwal ang ginawa niya na halos nagpabaliktad ng sikmura niya.

"Arrkkk!"

Mahigpit na nakahawak siya sa sink at doon kumukuha ng lakas. Pinagpapawisan na din siya samantalang fully air con ang buong condo unit niya. Hindi niya na tuloy napansin na may kung sinong tao ang nakapasok sa unit niya.

"Hey,"

"Aarrrkkk!" Tanging naisagot niya lang sa boses na iyon ni Mazda sa likod niya.

"Hang over?" Umiling-iling siya at panay ang duwal. "Maasim?"

"Y-yes." Nakahawak lang siya sa tummy niya na feeling niya napwersa. "I want s-something cold."

"How about ice cream?"

"Yes please."

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang marahan na paghagod ng isang palad ni Mazda sa likod niya and that makes her feel better hanggang sa maging okey na ulit ang pakiramdam niya.

"Do you still want an ice cream?"

She is brushing her teeth when Mazda asked that question. Tinignan niya muna ito sa repleksyon ng salamin. The man is smoking hot, with his black sando that shows his biceps and tatz... Women will surely jump to his bed and wide their legs but she doesn't feel anything from him, maybe because she still love someone else who happened to be Mazda's second cousin—Cassidy.

"Don't look at me that way Venisse I might think na hindi ang pinsan ko ang pinapantasya mo."

"At paano ka nakapasok dito?" Nagdududang tanong niya sabay nagpunas ng puting towel sa bibig. "I locked my door."

"I know your password."

"How did you know that?"

"Hmn?"

Pinameywangan niya ito. Di hamak na mataas ito sa kanya. "Ako lang ang nakakaalam ng password ko."

"Iyon ang akala mo."

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Two days ka ng hindi pumapasok."

"Laging masama ang pakiramdam ko at ayoko makaamoy ng iba't-ibang klase ng amoy ng mga tao sa labas. Mas gusto ko pa dito." Nilagpasan niya ito at dumeretso sa mini kitchen niya. "Nahihilo at nasusuka ako sa amoy nila."

"Hmn..." Nakasunod na ito sa kanya at pinagmamasdan ang bawat galaw niya pati ang pagkain niya sa cheese flavored ice cream na maraming stock sa ref niya. "You better go to doctor and have a check up. Maybe your pregnant."

Halos mabali ang leeg niya ng lingunin niya ito. Napaubo-ubo pa siya dahil may ice cream sa bibig niya. Tumikhim siya.

"Hindi ako buntis."

"Are you sure?" No! Wala pa ang monthly period niya and that scares her.

"Yes." And nod her head. "Pwede umalis ka na? Matutulog pa kasi ako."

"Woman, kagigising mo lang."

"I just want to sleep!"

"Fine." Nagtaas ito ng dalawang kamay. "Ayaw mo talaga magpunta sa clinic?"

"Akala ko si McLaren lang 'yung makulit pati pala ikaw. Hindi ako pupunta sa clinic at walang dahilan para magpunta ako do'n." Ingos niya. "At huwag ka ng basta-basta pumapasok dito sa unit ko. Okey?"

"I won't promise that."

"Mazda!"

"Yes?" May mapang-asar sa mga ngiti nito.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon