CHAPTER FOUR
NAG-IINIT na ang mukha niya pati na din ang buo niyang katawan dahil sa alak na iniinom nila ni Saleen. Ang ingay-ingay sa buong paligid, may mga nagsasayaw sa dance floor, naghahalikan sa tabi-tabi at mga usok ng sigarilyo ang nasasaksihan niya sa mga oras na iyon.
"Ayoko ng bumalik dito, Saleen. Mag coffee na lang tayo." Sigaw niya sa kaibigan dahil sobrang lakas ng tugtog.
"Much better. I don't like here masyadong crowded at walang pakialam ang mga tao. Nasaan na ba si Mazda? Ayain na natin umuwi." Sabay hinanap ng mata nila ang lalaki at sabay din nag-iwas ng tingin ng may nakapatong na babae dito at naghahalikan ang mga ito. "Iwan na lang kaya natin siya? Makakauwi naman mag-isa 'yan."
"Hindi naman siguro siya maliligaw?"
"Hinding-hindi. Kahit saang sulok mo yata ng mundo dalhin ang taong iyan ay makakauwi pa din iyan. Let's go."
Nag-akayan sila ni Saleen papalabas ng Club na napuntahan nila. Tinawagan lang nila si Mang Roman na naghihintay lang sa kanila sa parking area.
"Mang Roman, naka on ba ang camera?" Saleen asked.
Sumilip sila sa bintana ng huminto ang sasakyan sa tapat nila.
"Yes Senorita."
"Hindi niyo po ba alam kung paano i-off? Malalaman nila daddy na naglasing kami."
"Si Mazda lang ang nakakaalam kung paano i-off itong camera Senorita, siya kasi ang nagkabit nito."
"Balikan natin si Mazda." Aya niya kay Saleen. "Kesa naman parehong malaman ng magulang natin ang ginagawa nating pagliliwaliw."
"I can't walk na. Masakit na ang mga paa ko." Reklamo ng kaibigan. "Mang Roman please ikaw na lang ang maghanap kay Mazda sa loob, madali lang naman siya mahanap."
"Sige po, Senorita." Bumaba ang tsuper mula sa sasakyan at pumasok na sa Club.
Naghintay lang sila ni Saleen doon ng ilang minuto. Kapwa lasing na din talaga sila. Masarap pala talaga maging independent dahil nagagawa mo lahat ng gusto mo ng walang pumipigil sa iyo pero kahit gaano kasarap iyon ay mas pipiliin niya pa din makasama ang magulang niya kesa mag-isa siya.
Mas gugustuhin niya pa din na paminsan-minsan ay may nagpapagalit sa kanya dahil sumuway siya. Mas gusto niya pa din na nagpapaalam siya sa lahat ng gusto niyang gawin o kung saan man siya pupunta.
"Hindi niyo man lang hinintay na maka score ako bago kayo nag-aya umuwi."
"Hindi pa ba score ang pakikipaghalikan mo sa babae kanina? Nakapatong pa nga sa iyo." Sikmat niya kay Mazda na siyang nagreklamo.
"Hindi score ang tawag do'n."
"Whatever. Turn off the camera." Utos niya ngunit tinignan lang siya nito na halatang hindi nagustuhan ang pang-uutos niya.
"Who are you to boss me?"
"Saleen oh, nang-aaway si Mazda." Umabrisiete siya sa kaibigan na gegewang-gewang na kaya tuloy pati siya ay naa-out balance.
"Kayong mga babae kayo, huwag kayong uminom kung hindi niyo naman kaya. Mukhang may balak pa kayong pagbuhatin ako dahil sa kalasingan niyo."
"Hindi kami lasing baka ikaw ang lasing."
"Oh, look who's talking." Mazda walk closer to her and look at her face. "Para ng kamatis iyang mukha mo sa pula, hindi ka na din makatayo ng maayos. Iyan ba ang hindi lasing—woah!" Mabilis na lumayo ito ng umakto siyang naduduwal pero talagang naduduwal na siya.
"Turn off the camera please I wanna go home, I want to sleep!"
Walang nagawa ang lalaki kundi sundin ang gusto nila. Inalalayan din sila nitong makapasok sa loob ng sasakyan. Si Saleen ay nakatulog na habang siya ay pilit iminumulat ang mata para labanan ang antok ngunit sadyang mabibigat na ang talukap ng mata niya kaya kagaya ng kaibigan niya ay natulog na din siya ng dahil sa kalasingan.
BINABASA MO ANG
RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)
Ficção GeralWARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassidy Forbes; a car racer that is very dear to her. She knows him since they were a kid. He's the only...