Nagising si Nina na nasa hospital.
Nandun si Tanie at Pam.
" Are you feeling well?" tanong ni Pam.
" Yes, but I need to see Alex please." Paki usap nya.
" Okey, ilalabas ka namin pero promise mo magpapakatatag ka. Para sa anak mo, luluwas na tayo ng manila." at kina usap na nga nila ang doctor.
Okey naman daw sya dala lang ng emosyon kaya sya nahimatay. Nauna na si Crissa at Bryan na lumuwas naiwan sa kanya si Pam at si Tanie.
Si Lyndon naman ay naiwan sa rest house dahil may taong nag-aasikaso ng mga iiwan nila. Di na nila dinala ang gamit kaunti lang bitbit nila dahil sa kakaapura. Pagtawag ni Tanie kay Lyndon para sunduin sila ay diertso na sila nagbyahe. Habang nasa byahe ay di mapigilan ni Nina ang umiyak.
" Girl, ano ka ba sasabay ka pa ba naman kay Alex." Puna ni Tanie sa kanya.
" Calm down." Sabi ni Pam.
" You need to be strong, Janina.
Pagsubok lang yan." Sabi naman ni Lyndon." Buti pa matulog ka, for sure di ka makakatulog sa hospital." Dagdag pa ni Tanie.
" Thanks sa inyo guys." Sabi nalang nya.
"Sige na." Sabi ni Tanie.
Pinilit nyang matulog, tama ang mga kaibigan nya baka pati sya ay kung mapano madamay pa ang anak nya.
Ginising sya ng mga kaibigan nasa hospital na sila. Di nya alam mararamdaman nya, sinalubong sila ni Crissa.
" He's in comma pagpasok nya dito patay na sya, salamat sa dyos na revive sya." Paliwanag ni Crissa habang papunta sila sa ICU.
Inabutan nila sa labas ng ICU ang parents ni Alex, naikwento na lahat ni Crissa sa mga ito kung sino sya at kung ano kondisyon nya. Kaya ng makita sya ng ina ni Alex ay hagulgol syang niyakap.
" Be strong anak!" Sabi nito sa kanya tango lang sinukli nya dahil halos walang salitang ang lumabas sa kanyang bibig.
Nagpaalam syang pumasok sa loob. Pinagsuot sya ng mga nurse ng gown, mask at hair net bago tuluyang pumasok. Di maipaliwanag ni Nina ang nararamdaman awang awa sya kay Alex ang daming makina nakakabit dito. Lakas loob lumapit sya dito, hinawakan nya ang kamay at kinausap nya.
" Alex, nangako ka sa kin. Bakit ganito, ang daya mo." Iyak na sya ng iyak.
" Di ba nangako ka sakin, you stay beside me nasan ka ngayon. Ilan araw mo palang kami naalagaan, wag mo sabihing susuko kana. Alex, dont leave us kelangan ka namin ng anak mo tuparin mo naman yon pangako mo samin." Di na ulit sya nakapag salita iyak at hikbi nalang ang lumabas sa bibig nya.
Inilabas na sya ng mga nurse dahil may gagawin daw test kay Alex.
Nabalitaan naman ni Pitch ang nangyari kaya kinabukasan ay dumalaw ito. Wala noon si Nina, pina uwi sya ng mga kaibigan upang makapag pahinga.
Nagtaka ang mga magulang ni Alex kung sino si Pitch, ikiwento nalang ni Crissa kaya hinayaan nalang nila. Mabuti na nga lang at wala si Nina. Ilang araw ng nasa ICU si Alex, di naman pinoproblema ng mga magulang nito ang gastusin dahil sinagot lahat ng naka aksidente dito.
Masipag naman dumalaw si Pitch mabuti nalang at di sila nagtatagpo ni Nina. Sa huli sinabi na rin ni Crissa." Okey lang ba sayo." Tanong pa ni Crissa sa kanya.
" Wala akong karapatan pagbawalan kung sino man ang gustong dumalaw kay Alex masaya pa ako kasi marami nanalangin na sana magising na sya." Parang wala sa sariling sagot ng dalaga.

BINABASA MO ANG
Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED]
Roman d'amourHigh school friend sila Nina at Alex...barkada! Magkasama sa mga kalokohan, saya, minsan pati sa mga secrets share lang sa isa't isa. At pito silang magkakaibigan, pero sila ang sobrang close sa isa't isa minsan daig pa nila ang aso't pusa. At ka...