Chapter 7 (That Day)

7.5K 131 6
                                    

Mabilis na dumating yung Saturday, dahil wala kaming pasok.

Naka civilian kami.

Agad kong nakita sa auditorium si Alexa.

"Ang aga mo ah!",bati ko.

"Excited ako. May twist daw kasing gagawin para sa audition"

"Twist? Eh si Nash nasaan na ba?"

"Hindi ko pa siya nakikita eh"

Hinanap ko siya...pero wala talaga siya.

Basta kung hindi siya darating...hindi na rin ako mag-o-audition.

"We'll start our audition in  few minutes. Auditionees please settle down"

"Angel!"

Paglingon ko si Nash ito.

"Oh! Tara dito ka!"

Umupo siya sa tabi ko.

May hawak itong papel.

"Ano yan?"

At nginuso ko yung papel.

"Wala to"

At pinasok niya na ito sa bag niya.

"I am Miss Imperial, the guru of this club... today we'll held the audition for future theater actors and actresses of our school theater club..."

"Nakakaantok naman dito",bulong niya sa akin.

"Ssssshhhhhhhhhhh"

Saway sa kaniya ng katabi niya.

Palihim akong ngumiti.

Buti na lang nakapatay yung ilaw.

"We will have a by pair audition..."

Pair!?

"Ang cool!",react ni Alexa.

"Labas na kaya tayo?"

"Nash ano? Ngayon ka pa uurong? Sayang pinamasahe mo para pumasok no?!"

"Hindi naman ako namasahe"

Pilosopong sabi nito.

Wala na rin akong nagawa kungdi ang umupo.

May nagyaya nang pumartner kay Alexa at sumama na ito.

Marami ring nagyaya kay Nash pero hindi niya ito pinapansin.

Yayain ko na kaya na kami na lang ni Nash ang magpartner?

Eh pero...siya dapat magyaya no!

"Hi! Kuya may partner ka na ba?"

Approach ng babae sa kaniya.

"Meron na"

Ganun lagi niyang sinasagot eh wala naman.

Nagulat ako nang may humintong lalaki sa harap ko.

"Sige na pare!",cheer ng mga kaibigan niya siguro.

"Ah...ano kasi... Miss... pwede bang... ikaw..."

Tumingin ako kay Nash.

Lalong sumama ang aura ng mukha nito.

"Partner ko...sana ... kung pwede lang naman"

Tuloy nung lalaki.

"Ah...saglit lang ha"

Binulungan ko si Nash.

"Oy!"

"Ano?",masungit niyang sagot.

Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon