Chapter 16 ( Friendly Date )

7.1K 120 4
                                    

Pagtapos niyang hugasan yung kinainan niya.

Niyaya niya na akong lumabas.

"Magbreakfast muna tayo ah"

Sabi niya.

Diba katatapos niya lang kumain?

"Di ka pa ba busog?''

"Sino namang mabubusog sa kinain ko?"

Pintasero talaga.

>_<

"Okay fine"

At sumimangot ako

Ginulo niya ang buhok ko.

"Tara na!"

At hinila niya na ako pasakay sa kotse niya.

Light breakfast lang kinain namin tapos umalis na kami agad.

Napansin kong panay ang tingin niya sa relo niya.

"May iba ka pang lakad no?"

Tanong ko.

"Wala, gusto ko lang on time lahat ng bagay"

Sinabi niya.

Seryoso ba siya?

Eh yung pag-aaral kaya niya hindi on time.

Lahat ng bagay ka diyan!

"Dapat magdya-jogging tayo kaso nalate tayo ng 3 minutes eh"

Reklamo niya.

"Bakit pwede pa naman tayong mag-jogging ah!"

"Haay! Basta ayoko na "

Moody...

"Oh eh anong balak mo?"

"Pakilala na lang kita sa first love ko"

Ako?

"Teka! Bakit kailangan pa ba yon?"

"Oo, lahat ng mga kaibigan ko,kilala na si Chloe"

"Kahit wag na noh"

"Ikaw tong gusto akong maging kaibigan diyan tapos aayaw ka!Remember yung linya mo?"

Mayabang na sabi niya.

"Linya?"

"Sino pa ba? May tao ba sa likod mo? Saka duh! Ikaw lang ang kausap ko"

Panggagaya niya sa akin.

Natawa ako.

Naalala niya pa yon?

"Kaya tara na!"

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Saka ang weird naman para ipakilala pa ako sa first love niya.

Seriously siya lang ang nakilala ko na ganito.

Pagtingin ko sa daanan namin.

Teka...

"Saan tayo pupunta?"

Tanong ko.

Papasok kasi yung kotse sa isang sementeryo.

"Easy ka lang. di kita ipapahamak no"

Sabi niya lang.

Sa isang mala-mansiong bahay kami huminto.

Pinagbuksan niya ako at inalalayan.

"Sir Nash"

Bati sa kaniya ng may edad ng matanda.

Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon