Chapter 23 ( Helping Hand )

6.5K 122 4
                                    

"Surprise!!!"

Sigaw ni Luke.

Niyakap niya ako.

"Oh? Bakit ang saya saya mo?"tanong ko.

"Okay na ako Ate!"

Lagi niya yong sinasabi kapag nakakauwi siya galing sa ospital.

"Buti naman",sagot ko na lang.

Nagmano ako kay Tatay.

"Luke umakyat ka na at late na"

Utos nya dito.

"Opo! Ate hihintayin kita ah"

Bulong niya sa akin.

Nag-thumbs up ako.

"Sharlene..."

"Tay?"

"Alam mo ba na uuwi na siya?"

Uuwi!?

"Sino Tay?"

"Si Andre"

Parang nabingi ako sa sinabi niya.

Si Andre!?

"Sino po ulit?"

Niyakap ako ni Tatay.

"Babalik na siya pero anak wag ka masyadong umasa,okay?"

Wag umasa?

Diba siya ang nagbigay sa akin non?

"kailan?"

"3 months from now, he told me na sabihin ko yon sayo, he wants to talk to you"

He wants to talk to me...

Parang echo sa utak ko.

Naiisip ko si Andre... naiisip ko rin si Nash...

Andre bumalik ka na... naguguluhan na ako...

Nang gabing yon...di ako nakatulog.

Hanggang sa mag umaga na,wala pa rin akong tulog.

Haaay!

Ang aga ko pa namang papasok.

Papikit na ako nang may kumatok sa kwarto ko...

Ano ba yan?

Si tatay...

"Tay!??"

"6 na anak, malelate ka na niyan"

SIX??

Tumingin ako sa wall clock.

Lagot na!

Nagshower lang ako pero di na ako nagbreakfast.

Ang alam ko may quiz kami ngayon.

Nakapagreview na kaya si Nash?

Oo nga pala...

Hindi ko na siya kaklase.

Matamlay akong pumasok sa room...

Wala na nga ito.

Wala rin akong katabi.wala pa si Alexa...

Nasa kalagitnaan ng paglelecture si Miss nang sumakit ang tyan ko.

Hindi na naman kasi ako nag-almusal eh.

Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Wala pa naman akong ka-close dito.

Lumapit sa akin si Ms. Alexis.

"Are you okay?"

Umiling ako.

Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon