Hinatid ako ni Nash sa bahay.
"Sige na! Salamat sa paghatid",paalam ko.
"Simba tayo bukas",yaya niya sa akin.
"Ha?"
"Wag na nga lang... nakakasawa na yung mukha mo eh"
Pagkasabi non ay umalis na siya.
Para talagang ewan yung lalaking yun.
Pagpasok ko sa kwarto ko.
Nakita ko na naman ang mukha ni Andre sa mga pictures.
Hindi naman siguro maling maging masaya ako minsan ng hindi siya ang dahilan.
Buong Sunday akong nasa Ospital.
Sinamahan ko si Tatay na magbantay kay Luke.
Matamlay lang si Luke.
Nakatingin lang siya sa labas.
"Luke, gusto mo kantahan kita?"
Umiling siya.
"Maglaro..."
"Ate hindi ako tulad mo... pinipilit magmukhang okay kahit hindi naman talaga"
Napangiti ako.
Minsan talaga para siyang matanda kung magsermon sa akin.
"Si Tatay?"
"Ah... umuwi... kukuha daw siya ng damit mo"
"Bakit di na lang kaya dalhin yung aparador dito?"
"Ikaw talaga"
Mahal na mahal ni Tatay si Luke.
Lahat gagawin niya mapagaling lang ito.
Nang mamatay kasi si Nanay...
Si Luke lang ang nagbigay saya sa pamilya namin.
Kay Luke kumukuha ng lakas si Tatay.
At ako dati kay Andre...
"Sharoo... may naghahanap sayo"
Dumating na pala si Tatay.
"Sino po?"
"Hi!"
.
.
.
.
Nash!?
"Anong ginagawa mo..."
Nilapag niya yung dala niyang prutas.
"Hi ako nga pala si Nash!",bati niya kay Luke.
"Hello po... boyfriend po ba kayo ni Ate?"
"Luke!",saway ko dito.
"Hindi no! hindi ko type si Ate mo!"
Sabi niya dito.
"Eh bakit ka po nandito?"
"Dinadalaw po kasi kita",sagot niya dito.
"Ako po!?"
Nakangiting tanong nito.
Tumango si Nash.
"Gusto ko pong lumabas",sabi niya kay Nash.
"Pero diba dapat magpahinga ka lang?"
Tanong ni Nash dito.
"Pero po..."
Paiyak na ito.
Ganiyan si Luke pag di nasusunod yung gusto niya.
"Oh... wag kang iiyak! Tayong mga lalaki... hindi umiiyak... teka ipapaalam kita sa duktor mo ah"
Pag-aalo niya dito.
Sinamahan siya ni Tatay.
Pagbalik nito.
"Ano pong sabi..."
"Syempre hindi..."
Humikbi na si Luke.
Tumingin sa akin si Nash.
"Hindi sila humindi sa gwapo mong kuya!",dugtong nito.
Napa-upo si Luke sa sinabi niya at niyakap ito.
Napangiti ako.
"Tara na?"
"Opo!"
"Shar samahan mo na sila diyan sa baba. Ala singko eh umakyat na kayo ah"
Bilin ni Tatay.
Pagbaba pa lang naglaro na agad sila.
Swing dito...
Slide doon...
Natawa ako sa naisip kong magiging good daddy si Nash pag nag-asawa na siya.
Maya-maya lang umupo na sila.
"Pahinga na tayo ah"
"Pero promise Kuya...babalik ka ah"
"Oo naman"
Pinunasan ko ang pawis ni Luke at pinalitan ng damit.
Umupo sa tabi ko si Nash.
"Napagod ka no?"
Tanong ko dito.
"Hindi... nag-enjoy nga ako eh... akala ko noon hindi ko gusto ang mga bata eh mali pala ako"
Sabi niya.
"Kuya kargahin mo ako oh!"
Pangungulit ni Luke.
"Luke pagod na..."
Pero binuhat na siya ni Nash.
Nagturo ng cotton candy si Luke at ng kung ano ano pa.
Nakakahiyang lahat ng gusto nito eh binibili niya.
Pagbalik nila eh tulog na ito sa balikat niya.
"Akin na",sabi ko sa kaniya.
"Hindi na"
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Tara na!"
At inakyat na namin si Luke.
Nagpasalamat si Tatay sa kaniya.
Sumabay na rin ako sa kaniya pauwi.
Sa loob ng kotse... tahimik lang kami...
Hindi ako sanay...
"Nash patugtog ka naman oh"
Pagbasag ko sa katahimikan.
"Hindi ko dala yung i-pod ko eh...teka radyo na lang tayo"
Pagbukas niya...
"Pag-ibig na kaya",ang tugtog.
~ di na maalala paano nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?~
"Patayin na lang natin ah... ang corny eh",sabi niya.
Buti na lang at di kami natraffic.
"Ah sige ah salamat sa araw na to",paalam ko sa kaniya.
"Wala yon..ah sige bukas na lang"
"Bye"
At umalis na siya...
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine? (NashLene)
RomanceWould you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?