Naiwan akong nakatayo.
Nakatitig sa pintong nilabasan nila.
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa.
Unregistered number.
(Hello…Shar…Nash to. Ah ihahatid ko lang si Emerald ah… lunch tayo pagbalik ko)
Magsasalita na ako pero…
He ended the call.
Tootoot…tootooot…
Naramdaman ko na lang yung pagtulo ng luha ko.
Mali to.
Di dapat ako magalit.
Di dapat ako maiyak.
Masaktan.
Pwede ba?
Tumigil na kayo sa pagbagsak!
Biglang may nag-buzz.
May bisita na naman siya?
Pagbukas ko sila Kobi at Jai.
“Hala bakit ka umiiyak?!”
Tanong agad ni Kobi.
Pinunasan ko yung luha ko.
“Ah naghiwa kasi ako ng sibuyas kanina eh nakusot ko mata ko”
“Good excuse”,sabi ni Jai at hinila ako sa sofa.
“Care to narrate?”
Halatang irita ito.
“Eh ayun nga talaga nangyari”
Biglang binasag ni Jai yung vase sa tabi niya.
Napanganga naman ako sa ginawa niya.
Si Kobi nakayuko lang..
“Kulang pa tong vase na to sa ginawa niya kaya ka umiiyak diba?”
Tanong niya sa akin.
Hindi ko na natago yung galit at lungkot na nararamdaman ko kaya I break down.
Tahimik nila akong pinakinggan.
“Alam ko naman na pumayag akong pangalawa lang sa buhay niya eh. Pero yung dating kasi sa akin…school niya…si Emerald tapos ako…usapan pangalawa ako! Hindi pangatlo!”
Sigaw ko na.
“Ayaw mo na ba?”
Tanong ni Kobi sa akin.
Ayaw ko na ba talaga?
“Kaya mo ba?”
Tanong ulit ni Kobi.
Umiling ako.
Kahit ang bigat bigat ng pakiramdam ko…diko kayang wala siya.
Di ko kayang hiwalayan siya.
Pinunasan ko yung luha ko.
Tapos pumunta ako sa kitchen.
Kinuha ko yung mga plato niya don at pinagbabasag.
“Okay na ako!”
Nakangiti kong sabi pagtapos kong magbasag.
Natatawa silang lumapit sa akin.
“Ayan hala ka Jai tinuruan mong manira!”
Biro ni Kobi.
Natawa na rin ako.
“Oh?anong nangyari sa mga gamit ko!?”
Lalo kaming nagtawanan.
“Sige na alis na kami!”,paalam nila Jai.
Ngayon alam kong kakayanin ko kahit gaano pa kasakit ang mga susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine? (NashLene)
RomanceWould you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?