Chapter 42 ( I missed her.. So much )

5.8K 116 2
                                    
Muntik ko na siyang hindi pakawalan.

Miss na miss ko na siya.

"Napagod ka siguro kaya nakatulog ka agad pag-alis ni Kuya Andre. Tingnan mo inabutan pa kitang nakapikit dito sa labas"

"Ha?"

Si Andre nga talaga ang lalaking mahal niya...

"Pasensiya na"

Lumingon siya.

Hinahanap niya kaya ako?

Asa ka pa Nash.

"Ate umiiyak ka ba?"

Paalis na sana ako ng marinig ko si Luke.

"Ha? Ah hindi"

Ganon niya ba namiss si Andre?

"Namimiss ko na rin yung isa kong Kuya, Ate, kailan ba siya bibisita?"

Napansin kong ngumiti siya.

"Ate sino ba sa kanila ang mas gusto mo?"

Tanong pa ni Luke.

"Ha?"

"Kasi Ate kahit bumalik na si Kuya Andre, hindi ka pa rin masaya. Pero nung kasama natin si Kuya Nash, nakita kong totoong saya ang nararamdaman mo. mas gusto mo na ba siya?"

Kasi Ate kahit bumalik na si Kuya Andre, hindi ka pa rin masaya. Pero nung kasama natin si Kuya Nash, nakita kong totoong saya ang nararamdaman mo. mas gusto mo na ba siya

Parang plakang sira na.

Paulit ulit sa isip ko.

Sharlene...

Mahal mo rin ba ako?

"Pumasok na tayo. May lakad pa ako mamaya eh"

Sabi niya lang.

Bago siya pumasok.

Lumingon lingon muna siya.

Kahit sa malayo...

Makita man lang kita.

Masaya na ako...

Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon