Andre!?Si Andre nga...
We both stopped.
And stared at each other...
"Shar..."
He called out my name.
Napatingin si Jai sa akin.
Lumapit si Mika sa amin.
"Oh nga pala Andre ito si..."
"Sharlene",dugtong agad ni Andre.
"Kilala niyo ang isa't isa?"
Tanong ni Mika.
Tumango ako.
"Don't tell me na siya si Andre mo!?"
React ni Mika.
"Ladies and gentlemen...our debutant Miss Angel Sy is here with her escort Mr. Nash Aguas"
At nagpalakpakan ang lahat.
"Are you okay!?"
Bulong ni Jai sa akin.
"Ah..oo"
Hinila na ako ni Mika paupo sa pwesto namin.
Pagkatapos non ay sinayaw na si Angel ng Dad niya.
"Dance with my Father" ang tugtog habang nagsasayaw sila.
Tahimik lang ako sa pwesto ko.
Katabi ko si Mika na walang ginawa kundi ang magtext.
Pagtingin ko sa kabilang table...
Busy din si Kobi sa cellphone nito.
Napangiti ako.
Napatingin ako sa nasa likod ni Kobi...
Si Andre yun.
And I swear he's looking at me.
Tumingin naman ako sa harap...
Nash's looking at me.
What's with them at nakatitig sila sa akin?
Next na nagsayaw sa kaniya ay ang mga pinsan niya...old classmates at recent...
Pang 15th rose niya si Kobi.
Halatang ilang ito kay Angel at kay Mika ito nakatingin the whole time..
Kinikilig naman itong katabi ko.
Pang 16th rose niya si Jai.
Nag-uusap lang sila the whole time at parang ang saya ni Angel habang kausap ito.
Parang nabitin pa nga sila sa pagsasayaw nila.
"Her 17th rose.... Her first love Andre Garcia"
Natatawang tumayo si Andre.
Napatingin si Mika sa akin.
"Hey di mo pa sinasagot yung tanong ko kanina"
Naku! Naalala niya pa.
"Ah...siya nga"
Sagot ko na lang...
"Woah hindi ko lubos maisip na si Andre Garcia yung tinutukoy mo...alam mo bang isa siya sa barkada?... oh my...lalo siyang gumwapo ha?"
Napangiti lang ako.
"How are you feeling right now!?"
Tanong niya.
Ano nga bang nararamdaman ko?
"Hindi ko alam eh"
Totoo naman talagang hindi ko alam eh.
Pagtapos nilang magsayaw... dumaan siya sa harap ko...
And he stopped in front of me.
"Pwede ka bang makausap mamaya?"
He then said.
"Ha?"
"Napaaga yung uwi ko eh... I really would want us to talk"
Tumango lang ako.
"By the way...you're pretty as ever"
At bumalik na siya sa upuan niya.
"Okay ka lang!?"
Tanong ni Mika sa akin.
I just nod.
"The 18th rose of our debutant... Mr. Aguas...the present and future love of Ms. Sy"
Nagpalakpakan ang mga bisita.
Biglang tinapatan ng spot light si Nash.
Nakaupo na siya and ready to play the piano.
Tumayo si Angel malapit sa akin.
Nakatutok ang isang spot light sa kaniya.
"I once dedicated this song TO THE ONE WHO I THOUGHT IS THE RIGHT ONE pero ngayon Angel...let me sing this song...only for you..this is what I feel... I love you Angel"
Bakit parang inemphasize niya yung mga words na yun?
Pag-play niya ng unang note.
Nanlumo na ako...
Fallin'
Fallin' ang tinutugtog niya.
Habang kumakanta siya...tumitingin siya kay Angel na nasa tabi ko lang.
I felt my tears falling.
Nasasaktan ako.
Tumayo na ako.
"Excuse me" sabi ko kay Mika.
At tumakbo na ako palabas...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Shar"
Paglingon ko...si Andre yun.
Agad kong pinunasan yung luha ko sa pisngi.
"Are you crying?"
Walang sense na magtago sa taong kilalang kilala ka.
Hinawakan niya ako sa balikat.
Tumulo na yung luha ko.
Niyakap niya ako...
"I'm sorry"
Bulong niya sa akin.
Andre...
Hindi...
Hindi ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi na ikaw...
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine? (NashLene)
RomanceWould you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?