At ang 7th month celebration namin ay dumating na.
Balik na sa dati si Nash.
Still the same Nash na sweet…maalaga at may time na lagi to text me kung anong nangyayari sa kaniya maghapon.
Contented is the word.
Oo sapat na sa akin ang ganito.
Sinabi ko sa kaniyang may gagawin ako ngayon…sayang nga daw at wala silang pasok, makakapagcelebrate daw sana kami kaso ako naman ang wala.
Of course I won’t let the day pass na wala kaming special date.
Nga pala nagresign na ako sa work…mas gusto ko talaga ang field work kaya hinihintay ko yung approval ko sa isang di kalakihang network pero at least diba? Magiging reporter ako don.
Nasabi ko na rin naman kay Nash at kay Tatay…okay lang naman sa kanila.
Oo nga pala…
Nandito ako sa kwarto at may inaayos.
Kung ano yun.
You’ll know.
Papunta kasi ako sa condo ni Nash.
Para i-surprise siya.
Nasa taxi na ako ng magtext si Nik.
From: Nik
Dapt aq ksma mo ngaun! Daya! Hehe :>
Nga pla sab s horoscope mo…
Masasaktan ka at muling susubkn…kapt lang…twala..
Hehe. Hapi monthsary saneu :>
Ngumiti na lang ako.
Ang lalaking to, di na nahinto sa pagsubaybay sa horoscope ko.
Nameet niya na rin ang barkada. Click nga agad siya kela Carl eh.
Kaya si Lester grabe kung magselos.
Kawawang Nik, pinagselosan na nga ni Nash…pati ba naman ni Lester.
Ayaw pa kasing manligaw eh.
Natotorpe daw sa model na kasama niya…pero kung makasabi sa akin ng gusto niya ako non wagas.
Anyways…malapit na ako sa Condo.
Kilala na rin ako dito.
Ilang beses na rin akong nakakapunta dito kasama sila Carl.
“Hi!ma’am! long time no see…”
Bati agad sa akin nung receptionist.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine? (NashLene)
عاطفيةWould you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?