Chapter 19 ( "Lilipad Tayo" )

6.8K 123 7
                                    

Bakit ka nakamaskara Mr. Aguas?"

Si Nash?!...

"Don't mind me Sir."

At tumabi na siya sa akin.

"Sabay tayong maglunch nila Kobi ah"

Masiglang sabi niya.

"Ano yang pakulo mo?"

Tanong ko.

"Condition number one, ayaw mong makita pagmumukha ko"

Sabi niya lang at kinuha niya na yung libro niya.

"Alam mo...baliw ka na"

"Hanggang di tayo okay di ko to tatanggalin"

Sige.

Panindigan mo yan.

Pagdating ng lunchbreak namin.

Nakaabang na agad sila Kobi.

Nakakapanibagong nauunang maglakad si Nash sa akin.

"Condition number two. Di na kita sinusundan ah"

Sabi niya.

"Ano na naman yan at nakamaskara ka?"

Tanong ni Kobi dito.

"Someone don't want to see my handsome face"

"Buti nga sayo!",pang-aasar ni Mika.

Bineso niya ako.

"Wag mong patatawarin agad ng madala yan ah"

Sabi niya pa.

"Ang corny ng idea"

Yun lang ang sinabi ni Jai at bumalik ulit sa pagbabasa.

"Mas corny  naman ang magbasa"

Bwelta ni Nash.

"Ano bang makukuha mo sa pagmumukhang tanga ha?"

"Jai tama na yan",sita ni Mika.

"Makukuha ko ang pagpapatawad ng mahalagang tao sa buhay ko"

Sagot nito.

"Weh! Ang cheesy mo ah"

Pang-aasar ni Kobi.

Napansin kong napangiti ng kaunti si Jai.

Ang weird niya talaga.

"Haaay naku! Kumain na nga lang tayo!"

Yaya ni Mika.

Hinila na ako ni Mika papuntang Canteen.

"Dito na lang tayo kumain may quiz kami sa Bio eh",sabi nito.

"Alam mo Mika ang GC mo!"

"Naku Kobi, kesa naman umasa ako sa katabi ko diba?"

"Sino ba katabi mo?",tanong ko.

"Si Kobi",sagot niya.

Nagtawanan kami.

Habang kumakain kami.

Napansin kong di kumakain si Nash.

"Hoy! Bakit di ka kumain ha?"

Puna ko dito.

"Di pwede"sagot niya.

"Bakit kailangan mo bang mag-hunger strike para mapatawad ka niya?"

Tanong ni  Mika.

"Naku hindi ah"

Ako na sumagot.

"Pag kumain ako kailangan kong tanggalin ang maskara ko!"

Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon