Kinagabihan dapat uuwi na kami pero nagpaalam na daw si Angel at pinayagan naman ito.
After naming magdinner.
"Ayan manuod na lang tayo ng movie!"
Suhestiyon ni Kobi.
Hindi pa rin siya pinapansin ni Mika.
Nakikinig lang ito sa i-pod niya.
"Matutulog na ako",paalam ni Jai.
"Goodnight"sabi ko.
Pinisil niya ang ilong ko bago umalis.
"Goodnight"
At umakyat na ito.
Sinalang ni Kobi ang palabas na "BUTTERFLY EFFECT 2"
Medyo romance ito .
Tumakbo ang story sa "paano kung may kaya kang gawin para masave ang mahal mo sa isang aksidente kapalit ang career mo o maaring ang buhay mo mismo, willing ka ba?"
Haist napatingin tuloy ako sa mga katabi ko...
Nasa gitna ako nila Kobi at Mika.
Ayaw kasing katabi ni Mika si Kobi.
Sa kabila ko naman sila Nash.
"Aakyat na ako"
Paalam ni Mika nung nasa kalagitnaan na kami ng movie.
"Babalik ako ah"
Paalam ni Kobi..
At sinundan na nito si Mika.
Haist.
Ang awkward tuloy lalo.
Pagtingin ko...
Tulog na si Angel.
Nakayakap ito kay Nash.
Nakatutok naman sa movie si Nash.
"Anong balak mo sa birthday ng kapatid mo?"
Biglang tanong niya.
"Ha!?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Ilang taon na ba siya?"
"Ah...mag-e-eight"
"So anong plano mo?"
"Wala..."
Tumingin siya sa akin.
"Pati ba naman kapatid mo, binabalewala mo lang?"
Anong ibig niyang sabihin?
Tumayo na ako.
"Wala ka na don"
At umalis na ako.
Pag-akyat ko.
May narinig akong umiiyak....
Sumilip ako sa room namin...
Umiiyak si Mika.
Nakita ko si Kobi...
"Sawa na ako sa ganitong set-up Mika"
"Masaya naman...tayo..."
"Pero gusto ko maipakilala na kita bilang mahal ko sa lahat. Bilang girlfriend ko. Ayoko ng ganito"
"Alam mong hindi pwede Kobi. Natatakot ako na kapag nagcommit na tayo...saka naman mawala yung saya na nararamdaman natin ngayon"
"Mahal kita...mahal mo ako....di pa ba sapat yon ha Mika!?"
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine? (NashLene)
RomanceWould you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?