Chapter 14 ( Wallpaper )

6.7K 123 6
                                    

Gabi na nang magising ako.

Basa na naman ang unan ko.

Oy!hindi ng laway!

Napanaginipan ko na naman siya eh.

Pagbaba ko...

Wala pa rin sila tatay.

Nagring yung home phone namin.

"Hello?"sagot ko.

(Tatay to, di ako uuwi, mag noodles ka na lang muna)

Wala rin naman akong gana kumain eh.

"Okay Tay"

(O sige, i-lock mo yung pinto ah. Saka yung ilaw, wag mong sayangin)

"Okay "

(O sige na at aakyat pa ako para pakainin si Luke)

"Sige,ikamusta mo na lang ako kay Luke"

At binaba ko na yung phone

Umiinom ako non ng tubig nang may biglang kumatok.

Napatingin ako sa wall clock.

9:47 na ng gabi ah.

Bakit umuwi pa si Tatay?

Binuksan ko yung pinto.

Si...

.

.

.

.

.

.

Nash?

"Hi!",bati niya.

"Gabi na ah"

Nasabi ko.

"Papasok naman ako..."

Ungot niya.

Ha?

"Eh bakit? Wala akong kasama dito",pagdadahilan ko.

Totoo naman ah.

"Wala naman akong balak gawin eh...oh notes mo!"

Pumasok siya sa loob kahit di ko naman siya pinapasok.

"Anong dinner mo?"

"Bakit ka ba kasi nandito?"

Tanong ko.

"Sandali lang, 20 minutes lang,ito naman"

Paalam niya.

20 minutes?

"Wala bang makakain dito?"

At binuksan niya yung ref.

"Haay! Ano ba namang ref to, may water station ba kayo? Puro tubig eh"

Reklamo niya.

Kapal talaga!

Namintas pa...

"Kaya ganiyan katawan mo eh. Wala kang kinakaing masarap"

Tukso niya pa.

Oo nga pala.

May date kami bukas?

Kung date ngang matatawag yon.

"Bukas nga pala"

Sabay naming sabi.

"Mauna ka na..."

"Kaya rin ako pumunta dito,itatanong ko kung... saan mo gustong pumunta ha?"

Tanong niya.

Saan?

Di na ako lumalabas simula ng maghiwalay kami.

"Ikaw?"

Tanong ko.

"Haay!ikaw nga ang tinatanong ko eh"

"Ewan...bakit ba tayo lalabas?"

Nagkatinginan kami.

Iniwas ko ang tingin ko.

"Friendly date"

Sabi niya.

Umupo ako sa katapat niyang upuan.

"Bakit di kasama si Kobi?"

Tanong ko.

"Gusto mo bang kasama siya?"

Bakit pakiramdam ko may laman ang sinasabi niya?.

"Aalis na ako",paalam niya.

Tumayo na siya.

"Teka... paano nga bukas?",tanong ko.

"Oh!"

At hinagis niya ang phone niya sa akin.

"Tatawagan na lang kita"

At lumabas na ito.

Weird?

Paiba iba talaga siya ng mood!

Tiningnan ko ang phone niya.

Wala pa rin itong password.

Pagtingin ko....

Teka...

Ako??

Ako ang wallpaper niya?

.............


Will You Be Mine?  (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon