LOUISE'S POV
Medyo naging malayo yung byahe namin. Saan kaya nila ako dadalhin?
Tumigil ang van na sinasakyan namin sa isang gubat. Hindi ko alam kung saan ito.
Hinila ako ng mga kidnapper palabas ng van.
Pagkalabas ko ay may nakita akong isang lumang bahay ba yan or hide out nila. Hindi ko alam kung ano, basta dinala nila ako papasok do'n.
Pagkadala nila sa'kin do'n ay hinarap nila ako sa isang babaeng nakatalikod. Parang alam ko na kung sino siya.
Humarap sa'kin yung babae.
Si Samantha nga.
"Hi Louise. Long time no see. Did you miss me?" nakangiting tanong niya, pero isang masamang ngiti ito.
"Napakademonyo mo talagang babae ka! Bakit mo 'to ginagawa sa'kin? Noong una, yung article. Pangalawa, sinunog mo ang boarding house namin. At ngayon naman ay binaril mo ang Papa ko. Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo ha at ginawa mo 'to?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Kasalanan ba kamo? Masyado ka kasing epal. Ano bang meron sa'yo at nagustuhan ka ng lalaking gusto ko? Mas maganda at sexy naman ako sa'yo, tapos ikaw ang pangit mo. Siguro ginayuma mo siya kaya nagkagusto siya sa'yo." sagot sa'kin ni Samantha.
At siya pa talaga ang nagsabi no'n.
"Wow Samantha! Coming for you. Dapat ako ang magsabi niyan sa'yo. Ikaw ang epal sa ating dalawa. Kami ang nagmamahalan ni Billy pero dumating ka para sirain ang relasyon namin. Mas maganda at sexy ako kaysa sa'yo. Maganda ang kalooban at sexy sa paningin ng asawa ko. At anong sabi mo? Ginayuma ko ang asawa ko? Nauntog ba ang ulo mo kaya hindi mo maalala ang ginawa mong panggagayuma sa asawa ko noon para agawin mo siya sa'kin?"
Nakita ko namang nainis siya sa pambabasag ko sa kanya. Burn bitch burn.
*pak*
Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Tapos bigla na lang siya tumawa na parang baliw. Nasisiraan na yata ng utak ang babaeng 'to.
"Ngayon ay tatapusin ko na ang buhay mo. Wag kang mag-alala dahil makakasama mo naman si George sa langit. At ako na ang bahala sa asawa mo. Hahahaha!" sabi niya sa'kin sabay halakhak na parang demonyo.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore