LOUISE'S POV
Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko.
Pagkamulat ko ay puro kulay puti agad ang nakita ko.
"Wifey ko. Salamat sa Diyos at gising ka na." narinig kong sabi ni Billy.
"H-hubby ko." tawag ko sa kanya. Medyo nahihirapan pa akong magsalita dahil sa nakakabit sa may bibig ko.
"Tatawagan ko lang si doc." sabi niya at lumabas siya para papuntahin dito ang doctor.
Pagkabalik niya ay kasama na niya ang doctor. Tinignan agad ng doctor ang kalagayan ko.
"She's on stable condition now. After one week ay pwede na siyang i-discharge." sabi ng doctor na ikinatuwa ng asawa ko.
"Salamat po doc." masayang tugon ni Billy.
Nang makaalis na ang doctor ay agad niya akong nilapitan.
"Akala ko ay mawawala ka na rin sa akin." naiiyak niyang sabi sa'kin.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.
"H-hindi ako mawawala sa'yo h-hubby ko." nahihirapan kong tugon sa kanya.
"Akala ko ay iiwan mo rin ako kagaya ng anak natin." - Billy
Natigilan naman ako sa huling sinabi niya.
"A-anong i-ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa asawa ko.
"W-wala na siya wifey ko. Wala na ang kauna-unahan nating anak." - Billy
Halos hindi ako maka-imik nang marinig ko yun sa kanya.
"H-hindi. H-hindi pa p-patay ang a-anak natin." sabi ko sa kanya.
Ayokong maniwala sa kanya. Baka nagbibiro lang siya.
"Patawarin mo ako wifey ko." sabi niya na ikinaiyak ko.
Halos maubusan ako ng luha dahil sa kakaiyak.
Hindi maaari 'to, sana ay nananaginip lang ako.
Hindi pwedeng mawala ang anak ko.
📌
Ilang araw ang nakalipas simula nang mamatay ang Papa at ang anak ko. Ang dalawang taong mahalaga sa akin ay nawala na.
Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad si Samantha sa ginawa niya sa amin. Sobra-sobra ang ginawa niyang kasalanan sa amin at dapat lang siya mabulok sa kulungan.
![](https://img.wattpad.com/cover/74305244-288-k882394.jpg)
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore